Sa Pagkaubos ng mga Bukid

(Published in Banaag Diwa 2016, Literary Folio of Ateneo de Davao’s Atenews. This is the first play ever published in Banaag Diwa)

 

Sa Pagkaubos ng mga Bukid

 

Mga Tauhan

Romnick Lumayon: 20 anyos, security guard sa Ateneo de Davao, taga-Mua-an, Kidapawan, may dugong Manobo na halata sa kanyang mukha

Charlene Villarico: 19, MassCom student sa Ateneo de Davao, taga-Woodridge, Davao

Janbert: 20 anyos, kasama ni Romnick sa inuupahang bahay sa Davao

 

Tagpo: Sa kwarto ni Romnick, sa isang bukot-bukot na bahay sa Baranggay 1A, Quezon Boulevard, Davao City, maulan na hapon. Gawa sa plywood ang mga dingding. May kawayang kama sa gitna, may maninipis na unan at kutsong may mga tila lumang punda. May de-plywood na aparador sa kanan, at may bintanang nakakurtina sa kaliwa. Nasa unahan ng aparador sa kanan ang pintuan palabas sa kwarto. Makinang sa floorwax ang sementadong sahig. Malinis ngunit may bahid ng kahirapan ang kwarto.  

Pagtaas ng tabing, naghuhubad ng pangtaas ng damit si Romnick. Sandali itong matutulala, nakatingin sa umuulang tanawin sa labas ng kanyang bintana.

Dudungaw si Janrick sa pinto.

Janbert: Sht, Romnick.

Romnick: (medyo nagulat) Atay, ‘Bert, pagkatok sad uy. Wa man ka gaila’g privacy.

Janbert: (pilit ang Tagalog) Privacy ka jan. Magpasok ako ha.

Tatango si Romnick, papasok si Janbert at uupo sa kama

Romnick: Ug nganong nag-Tinagalog man ka ha?

Janbert: (pakutsa) Ay para sana makapractice ka ba.

Romick: Ug ngano man daw sad ko mu-practice og Tagalog?

Janbert: Yung pinapanguyaban mo na kolehiyala ba. Yeeee!

Romnick: (magugulat, ngunit medyo mahahalatang kinikilig) Hoy giunsa nimo pagkabalo ha. Ug wa ko nanguyab ato oy, giistoryahan ra ko ato.

Janbert: Kay alangan part, kada muagi ra ko diha sa Atenyu, palagi na lang kitang mamatikdan na nakikipag-usap sa isa lang na babae habang naga-duty. Alam ka na nakin, part!

Romnick: Paghilom diha uy.

Janbert: (pilit pa rin ang Tagalog) Dali na, istoryahan mo na ako tungkol diyan sa iyong salad – ay una ko makalimot, may sulat pala para sa iyo. Kadadating lang. (kukuha ng bukas na sobre mula sa bulsa at iaabot kay Romnick)

Romnick: (tatanggapin) Ug nganong abri ni ha? Atay bay, ayaw sag pangabri og sulat sa ubang tao uy (manglilisik ang mata pagkakita sa likod ng sobre, dali-daling babasahin ang sulat)

Janbert: Gibasa ra nako, wa man pud ko kasabot kay English masyado (tatawa). Pero importante na no? Gikan man sa presidente sa Atenyu! Oy unsa na?

Magkahalong gulat at hirap makapaniwala ang makikita sa mukha ni Romnick. Ipapasok niya ang sulat sa sobre at itatago ito sa aparador

Janbert: Oy unsa to?

Romnick: (tila nagising sa panaginip) Ah wala, wala ra. (makakaisip ng pang-abala sa kausap) Hisgutan na lang taka atong babae be.

Janbert: Ay yan, gusto ko yan! Sino pala yan part?

Romnick: Ay ambot ana imong Tagalog-Tagalog do. (uupo) Estudyante sa AdDU.

Janbert: Klaro man sa uniform bay.

Romnick: (tatawa) Aw mao. MassCom, third year.

Janbert: Wow MassCom! Makauyab ka nito ng reporter part!

Romnick: Wa lagi ko nanguyab, unsa ba. Nag-istorya ra me kanunay. Akong naharang diha ikausa sa may Jacinto gate kay wa nagdalag ID. Kay ako ra may duty ato, ako rang gipasulod.

Janbert: Iingon daw inyong panagistorya bay!

Romnick: (madadala sa kilig) O, kahinumdom pa kaayo ko. Giingnan nakog ‘Ma’am, ID.’ Unya gitubag kog ‘Hala kuya guard, nakalimutan ko pala! Hala papasukin mo na lang ako please kay kalayo pa gud ng bahay namin.’ Gitubag pud nakog ‘Ma’am policy man gud ni sa school.’ ‘Alam ko talaga kuya, at nagasisisi talaga ako, pero ano man ang gawin ko?’ Ug nabal-an nakong bright bay kay nidungag og ‘alam mo kuya guard minsan ang policy kailangan iframe against sa backdrop ng greater mission ng university. Education baya ang purpose nitong Ateneo, kung makaabala itong policy sa purpose na yun – gaya nito o, hindi makapasok ang estudyante – tama lang man siguro na kalimutan ang policy. Tapos may super long quiz pa talaga kami ngayon kuya!’

Janbert: (halos hindi makapagsalita sa gulat) Part, kuyawa man diay nimog memory uy

Romnick: (mako-conscious) Ay ayaw na lang uy.

Janbert: Uy binuang ra uy, joke! Pero kacute sad ana niya, unya?

Romnick: (maeengganyo ulit) Kato, nalingaw ko kay maayo kaayo muhimog punto. Nipromise pa nga ipakita niya ang ID ig makuha na niya.

Janbert: Ug gipakita sad niya?

Romnick: Pagkahapon ato. Ug didto na mi nagsugod og tabi-tabi. Kanunay man siya muabot og sayo, unya timing sad nga wa koy kuyog sa Jacinto gate anang orasa. Kato, mutambay siya kuyog nako og magtabi mi. Katong nabalhin akong shift sa Roxas gate, didto na pud siya gasugod og naog.

Janbert: Yeeee! Sinadya talagang magnaog sa Roxas para makatabi ka. ‘Pag-ibig na kaya!’

Romnick: Saba diha uy, sekyu ra intawon ko…

Janbert: Kay siya pala?

Romnick: Taga-Woodridge bay. Benz ang gahatod kada-adlaw.

Janbert: Agay! Sino ba talaga yan siya, part, na dato man masyado?

Romnick: Negosyante ang papa – nakaingon man to nga apil daw anang rice smuggling maong nakapalit silag balay sa Woodridge. Ayg saba ha. Pero kwartahan na daan.

Janbert: Agay! Pero okay lang yan part, (kakanta ng Gloc-9) ‘kahit na, wala akong pera…’

Romnick: (bubuntong hiniga) Kon kwarta ra ang problema…

Janbert: (matatantong seryoso ang kaibigan, iibahin ang takbo ng usapan) Pero ano din ang pinapag-usapan ninyo part?

Romnick: (may kinang ng pangarap – na nababahiran ng kawalang pag-asa – sa mata) Ay bisag-unsa gud. Iyang lessons, iyang mga classmate, makipulitika sad sa campus. Makabright sad baya…

Janbert: (makikita ang kalagayan ng kaibigan, magiging seryoso) Bay, okay ra na, ako kabalo ko, maayo kang tao, ug bisan pag wa man kay Benz, kon utok ray hisgutan di ka malupigan. Pasaylui ra ko usahay ha kon wa koy ayo kaayo kaistorya

Romnick: (matatanto ang pinapahiwatig ng kaibigan) Okay ra uy, salamat sad. Ug okay ra kaayo nang imong katanga bay kay kataw-anan man sad.

Janbert: Agoy! Kasakit mo magsalita part! (tatawa ang dalawa)

Romnick: (Kukunin ang cellphone sa bulsa. Babasahin) Hala nagtext!

Janbert: Kinsa? Siya!? Atay nagpinangayua’y na diayg number! ‘Hey I just met you, and this is crazy..!

Romnick: Paghilom. (nagbabasa) ‘…asan ka gani nakatira dito sa Davao?’ (magta-type) Sent.

Janbert: Hala kinikilig ako na talaga!

Romnick: Saba diha – naa na dayoy reply!

Janbert: Grabe, kabilis ng mga pangyayari!

Romnick: (nagbabasa) ‘asan banda specifically?’ (magtatype)

Janbert: Gusto ka gyud talaga niya makilala part!

Romnick: (halatang kinikilig din) Pagpuyo diha uy. Hoy wa ba kay trabaho ron?

Janbert: Pinakyaw ni Angkol Muklo ang lahat ng aking Tamban, baby! Choks to Go ang hapunan natin ngayon!

Romnick: (matutuwa sa kaibigan) Sige bay, sa sunod ako na sa’y manglibre.

Janbert: Ay ayaw na uy, kabalo baya ko gatigom ka. Gibuhi pa nimo imong mama di ba?

Romnick: Wa ra uy, di gyud to musugot buhion nako, bahala na dawg asin ray masud-an niya sa halin sa tambo, basta iyaha dawng kwarta. Ako daw ning kwarta.

Janbert: Okay ra pud siya didto? Di ba bukid ang Mua-an? Ang tuhod ni mommy!

Romnick: Mao ganing kusgan gihapon. Mag saysenta na gaigib gihapog tubig pasaka.

Janbert: Kanus-a ka mouli sa Kidapawan sunod?

Romnick: Next month siguro, tan-awon ra.

Janbert: Unsa ganiy gitiguman nimo? Pamilya no? Yeee!

Romnick: Wala uy, wa pa na intawon misulod ang pamilya sa akong utok. (medyo mahihiya) Ganahan unta ko mu-skwelag college.

Janbert: Daan pa lagi ko. Sige ra part, tabangan taka ana.

Romnick: (mahahabag) Ay ra uy.

Janbert: Di bitaw, tabangan taka ana, hanapan kita ng bayot na magpalubot – ay!

Romnick: (babatukan) Amaw.

Janbert: Hindi bitaw part, magkayod din ako para sa iyo uy, para pag mag-reception na kayo sa Woodridge, i-invite niyo ako! ‘Romeo take me somewhere we can be alone…’

Romnick: Saba diha uy. (ngunit matutuwa sa kaibigan) salamat bay ha.

Janbert: Walang problema, parekoy. Basta, dal-a ra kog rambutan inig mouli kag Kidapawan.

Romnick: (tatawa) Mao!

Janbert: (titingin sa bintana) Aguy kinsa ning paingon dinhing gwapa! Gikaistorya man si Nang Soling.

Romnick: (lilingon, mabibigla) Charlene! Ginoo!

Janbert: Hala mao na siya part!?

Tatakbo sa bintana at dudungaw si Romnick

Romnick: Charlene!

Charlene (boses): Rom! (tunog ng paglakad sa matubig na daan) Dito pala ang sa inyo.

Romnick: Sus anong ginagawa mo nagpaulan! Pasok ka, pasok!

Janbert: (dudungaw sa bintana) Hi Charlene, ako si Janbert, best friend ni Romnick, nice meeting you.

Romnick: Saba diha, pasudla siya, abtik

Magkakandarapa si Janbert palabas ng kwarto. Dali-daling magsusuot ng T-shirt si Romnick.

 Maririnig ang tunog ng pagsara ng pinto.

Aktong lalabas si Romnick ng kwarto ngunit papasok sina Charlene at Janbert. Basang basa si Charlene sa ulan, ngunit mas gaganda siya dahil dito. Para siyang Nahamugang prutas, kumikinang sa kasariwaan.

Charlene: (maharot ngunit may bahid ng mapanganib na pamimighaning hindi mapupuna ni Romnick) Hi, Rom.

Romnick: Sus, basang basa ka. (kukuha ng twalya sa aparador at iaabot sa kanya) Ito o. Upo ka.

Uupo si Charlene sa kama habang nagtutuyo ng buhok at katawan.

Romnick: Bay, timplahi sa tag kape

Charlene: Ay ‘wag na, salamat na lang, Janbert.

Janbert: Sigurado ka, Charlene? Timplahan kita kung gusto mo. (madadama na ang tensyon sa kwarto) Kung-kung mayroon kayong kinahanglan, tawagin lang niyo ako ha, diyaan lang ako sa gawas.

Charlene: (nakangiti) Thank you, Jan.

Lalabas si Janbert.

Charlene: Kataw-anan lagi yung friend mo.

Romnick: (nakangiti) Ay ganyan talaga yan. Be, ano man din nakain mo na naisipan mong magpunta dito sa ganitong ulan?

Charlene: (maharot) Sorry na po, gusto lang kita makita. (tatayo, titingin-tingin sa kwarto) Kalinis ng kwarto mo. Akala ko makakita ako ng nakapaskil na picture ni Isabel Granada o sino ba sa dingding, pero kahit maliit na sticker sa lighter wala. (tatawa)

Romnick: (maaaliw) Isabel Granada talaga?

Charlene: Tingin ko ikaw yung type na Isabel Granada ang ilagay sa dingding.

Romnick: Na maglagay sa dingding…

Charlene: Oo, di ba ganun man ang uso sa inyo? (tatawa. Hihingang malalim) Kabango, amoy ikaw.

Romnick: Alangan naman.

Charlene: (tatawa, uupo ulit, yuyuko at titingin sa ilalim ng kama) Be daw kung nandito ba ang mga FHM… Uy, puro libro (kukuha ng isang libro)

Romnick: (nahihiya) wala na kasing lugar para lagyan, sa ilalim ko na lang nilalagay.

Charlene: (tatawa) Precious hearts! Mahilig ka pala sa ganito, Rom! (tatawa ulit)

Romnick: Ay kahit ano basta mabasa. Noon yan, yan man ang kalingawan ng nanay ko noon. Pagdating ko ng Davao nagsimula ako pangukay ng kung-ano-ano sa Booksale.

Charlene: (tatawa ulit pagkakuha ng isang libro) Wow sorry lang sa ‘landmark cases in Philippine Law.’ Wow tag-singko lang! Kataw-anan, precious hearts tapos Philippine Law!

Romnick: Malingaw man ako sa law. Makaisip ka minsan. Kinailangan ko din bumili ng dictionary na maliit.

Charlene: (hindi mapupuna ang kinang sa mata niya, ibabalik ang mga libro, lilingon-lingon ulit) Kalinis mo pala talaga ‘no.

Romnick: Pero hindi siguro kasing linis ng bahay niyo. Pero bitaw, bakit mo man din talaga naisipan magpunta dito?

Charlene: (tatayo, magagala tungo sa pinto) Ay wala lang gud uy, naisip ko lang na bisitahin ka. Bawal? (ila-lock ang pinto ng nakatalikod)

Romnick: (maririnig ang pag-lock ng pinto, kakabahan) Hindi man, pero – pero syaro pud gilusong mo itong ulan para lang magbisita…

Charlene: (lalapitan si Romnick, na dahan-dahang lalayo. Mapapatayo sa may bintana, si Romnick mapapatayo sa pinto, ngunit wala itong lakas na buksan ang kandado) O, para lang magbisita. (haharap sa bintana. Matapos ang sandaling katahimikan, isasara ito).

Romnick: (lalong kakabahan) Nag – nagtaxi ka?

Charlene: Nagsakay lang ng jeep. Kalingaw pala magjeep no, makaisip ka.

Romnick: Pero sigurado siksikan ang jeep ngayon kay ulan. Amoy singhot siguro no (sinusubukang walain ang tensyon)

Charlene: (dahan dahang lalapit) O, parang mga sardinas ang tao sa loob. Pero okay lang. Minsan magcrave man din ako ng amoy ng pawis. (nasa harap na ni Romnick. Aamuyin ang dibdib nito. Pabulong) Amoy pawis ka, Rom.

Romnick: (Mawawala sa sarili. pabulong din) Ikaw amoy ulan… (magkalapit na ang mga mukha nila. Ngunit bigla itong masisindak at itutulak palayo si Charlene). Uy naano ka na man!

Charlene: (may kaunting pagkayamot) As if ako lang…

Romnick: (matatanto ang muntik gawin, iibahin ang usapan) Pero – pero yung si – yung si Steven pala?

Charlene: Ay sus yun ba, Rom? (tatawa ng tila pilit) Wala yun uy, crush-crush lang man yun. (lalapit ulit) Wag mo na yun isipin uy…

hahalikan si Romnick

Maghahalikan ang dalawa ng ilang sandali, ngunit itutulak ulit ni Romnick si Charlene

Romnick: (pabulong) Charlene, anong problema? Hindi ka ganito…

Charlene: Ha? Wala uy, gusto lang talaga kita.

Romnick: (mahigpit) Hindi, may problema ka, anong nangyari?

Charlene: (magiging galit ang kanina lang ay mapang-akit na tingin) Grabe, ganon ba talaga ako ka-walang kwenta na kahit ikaw hindi ko malandi..? (Pipiliting halikan si Romnick ng ilang beses, ngunit tatanggi ito. Magdadabog ito sa inis, mapapaupo sa kama at iiyak) Ka-wala kong kwenta..!

Romnick: (bubuntong hininga. Uupo sa tabi ni Charlene) Sige, anong nangyari?

Sandaling iiyak si Charlene. Malulunod ng ingay ng ulan ang kanyang pag-iyak.

Charlene: (hirap magsalita sa kanyang mga luha, nakatitig sa kawalan) Ilang araw ko gud gihanda ang sarili ko para masabi ko na sa kanya. Kay alam ko na hindi na kami magtagal maging magkapit-bahay, magbalik na siya sa Manila kay tapos na ang bakasyon… Para akong tanga gakausap sa sarili ko sa mirror, balik-balik rehearse sa kung saan man mapunta ang usapan sa kotse niya… Ayun, kaninang tanghali giaya na naman niya ako mag-drive drive, last laag na daw niya sa Davao… Nasa may bandang Maa na kami nung magsimula ang ulan.  ‘Baha na naman?’ sabi niya sa may San Rafael, ‘bumabaha rin sa Kamaynilaan, pero tangina, doon walang kangkong ang bahaan’ tapos tawa… Hay kahit condescending yung tawa niya kacute pa rin… Ayun, hindi ko napigilan, nasabi ko… ‘Steve, yang… ngayong summer lang tayo nagkakilala, konti pa lang masyado ang alam ko sa iyo, pero, yang… I… I think I’m falling for you…’

Malulunod ulit si Charlene sa kanyang mga luha. Nakatitig sa kanya si Romnick, puno ng awa ang tingin.

Charlene: (mas lalong hirap magsalita) Gihalikan niya ako. Gihinto niya ang kotse sa may Marfori banda para halikan at hawakan ako. Pero nagtigil siya sandali. Nagpasalamat siya, pero nagsorry siya kay hindi daw niya mabalik ang naramdaman ko. ‘We can play around while I’m still here, pero walang seryoso…’ No offense meant daw, pero hindi daw niya talaga maimagine na magpatol ng promdi, ng taga-bukid. Siguro daw maintindihan ko man. Taga-Manila daw siya, Intsik pa talaga, ano daw sabihin ng mga tao sa kanila na nakauyab siya ng taga-Mindanao. Taga-bukid… Wala akong nagawa kung hindi magtango sa gisabi niya, so nag-patuloy siya ng drive, nag-yagayaga na parang walang nangyari… Pero pagdating namin sa may DMSF sa Bajada hindi ko na natiis, nagpababa ako. Ayun, nagsakay ako ng jeep papunta dito.

Romnick: (halos walang malay na pagkakasabi) Alam ng mga magulang mo nandito ka?

Charlene: Nasa-Cebu sila, next week pa babalik. (tila ngayon lang ulit naalala na katabi niya si Romnick, mapait na nakangiti) Rom, Taga-bukid lang daw ako… taga-bukid (tatawa ng hibang) Taga-bukid lang tayo! Mga nasa-ilalim ng Pilipinas (pilit na Bisaya) nasa ubos diay, hindi diay tayo mag-Tagalog-Tagalog kay wala tayong karapatan ana. (tatawa ulit. Unti-unting mapapalitan ng pagkamuhi ang awa sa mukha ni Romnick, hindi niya ito mapupuna)

Biglang hahawakan ang mukha ni Romnick, ihaharap sa kanya, at hahalikan ng masidhi.

Charlene: Kaya wag ka nang magdalawa-dalawa na dumihan ako, Rom. Taga-bukid lang tayo lahat dito. (tatawa, hahalikan ulit) Sige, dumihan mo ako. Ubusin mo ako.

Romnick: (mag-aalab ang muhi sa mata. Itutulak pahiga sa kama si Charlene. Habang nakapaibabaw dito) Sige, ubusin kita. Tilukin kita. Tilukin kita hanggang sa wala nang matira sa iyo. Hanggang sa wala nang matira sa iyong dignidad. Hanggang sa wala na yang bukid kung saan ka nagamaliit at nagataas-taasan. Ubusin kita, at ubusin ko ang iyong mga bukid.

Hahalikan niya si Charlene ng bayolente, ipapasok ang kamay sa bestida nito at dahan dahang iaakyat sa dibdib.

Masisindak si Charlene, didilat ang mga mata nito, at itutulak si Romnick palayo. Mahuhulog si Charlene sa sahig at iiyak.

Charlene: Hindi! Hindi ko kaya! Ayoko nito, ayoko! Madumi, masikip, mabaho, mahirap! Kadiri! Hindi ako dito, hindi! (iiyak)

Kakagatin ni Romnick ang kamao sa galit at maluluha sa hindi mabulyaw na pagkamuhi. Ngunit habang humahagulgol si Charlene makakalma si Romnick, hihingang malalim, at lalapitan si Charlene upang akayin patayo. Ngunit itataboy nito ang tulong ni Romnick, at mananatiling nakalupasay sa sahig, umiiyak. Titila na ang ulan.

Romnick: (matapos magtimpi ng damdamin) Charlene, tama na. (Walang kibo mula kay Charlene). Charlene. Tama na. (Wala pa ring kibo. Sandali ulit magtitimpi. Tatayo. Malamig ang pagkakasabi). Ma’am, kinahanglan na siguro ninyo mouli.

Mahihimasmasan si Charlene at mababalot ito ng matinding kahihiyan. Nakayuko itong tatayo, hihingi ng paumanhin, at tatakbo lalabas.

Mapapaupo sa kama si Romnick.

Papasok ng dahan-dahan si Janbert, may pag-alala sa mukha.

Susuntukin ni Romnick ang sahig sa galit at mapapaiyak. Lalapitan siya ni Janbert at tatahanin. Hindi muna ito magtatanong kung anong nangyari.

Janbert: Okay ra na bay, okay ra na.

Hihingang malalim si Romnick at tatayo. Kukunin niya ang sulat na tinago sa aparador.

Romnick: Bay, pasaha sa kog load palihog

Walang tanong na papasa ng load ni Janbert.

May tatawagan si Romnick

Romnick: (matapos ang sandaling katahimikan, sa telepono)… Mang, Mang si Romnick ni… Maayo kay naay signal diha… ay wala, gisip-on ra, ulan man gud diri… Mang, kanang, naa diay koy balita… Gitagaan kog scholarship sa Ateneo sa mga Hesuwita, four years undergrad unya pwede sad ko mag-law… (pipigilan ang pagluha) lagi mang, lagi… (hindi mapipigilan at luluha) muadto gani kog simbahan ron aron magpasalamat sa Ginoo… AB English man kunoy okay nga pre-law mang…. Aw, sakto ra man sad ni, basin naa sad koy ikadungag ani… Next month siguro, mang…. Sige, sige, ayo-ayo mang…. (ibababa ang telepono)

Janbert: scholarship bay..!?

Romnick: Lagi…

Janbert: Uy congrats..!

Romnick: Unya na na. Pila gani’y reward ni Duterte sa tip bahin anang smuggling?

Janbert: (malilito) Aw, depende daw unsa kadako, kanang bigtime gyud pagkabalo nako 2 million daw. Ngano bay?

Romnick: (hindi sasagot, tatawag ulit. Sa telepono) Hello. Good afternoon ma’am, City Mayor’s Office? Ay hala mayor, good afternoon… May ireport po sana ako doon sa smuggling information na ginahanap niyo… Jun Jun Villarico, negosyante na taga-Woodridge, may links kay Davidson Bangayan… Warningan ko lang kayo mayor na posibleng may koneksyon ito sa Sanggunian… Salamat mayor…. Ay saka na po siguro pag na-confirm na ninyo, hindi din po ako sigurado sa info ko, pero reliable po yung source ko… Sige, salamat po. (mapapaupo ulit at tatabunan ang mukha ng kamay)

Janbert: (may kaunting takot sa kaibigan) Okay ra na bay, okay ra na. Naa pay pag-asa.

Romnick: (mapapangiti ng mapait) Wala na bay. (sa sarili) Wala nang pag-asa, ubos na. (tatayo) Pero ang naa sa ubos, pasaka na lang ang kapadulngan.

Lalabas si Romnick at dahan dahan itong susundan ng maingat na si Janbert. Gabi na pagbaba ng

Telon


The Lovesong of J. Alfred Prufrock: A liberal translation to Davao Filipino

Ang Kundiman ni J. Alfred Prufrock

Kung wari ko”y itong sagot ay binibigay
sa sino mang pabalik sa mundo
Ang pagliyab nitong aking dila”y agarang mamamatay.
Ngunit dahil mula dito sa Impierno
wala pang sino man sa pagtakas ay nagtagumpay-
Walang takot na mapahiya akong magsasaysay

 

Tara na, ikaw at ako
habang nakabulantang ang gabi sa kalangitan
na parang pasyenteng bangag sa disdisanan.
Tara sa mga mingaw na mga dalan,
Mga nagayawyaw’ng taguanan
ng mga hindi mapakali na gabi sa mga motel’ng baratuhon
at mga abog na karinderyang nagabaligya ng turon:
mga dalan nagalatay parang kapoy na pangaway
ng mga malisyosong sadya
para idala ka
sa isang grabeng tanong…
Ay “wag mo na tanungin ano
Tara at maglaroy na lang tayo”

 

Sa Starbucks, ang mga dalaga nagadaan

Si Sarah Kaye ang ginapag-usapan.

 

 

Ang dilaw na hamog nagahagod ng likod niya sa mga bintana,

Ang dilaw na usok nagahagod ng nguso niya sa mga bintana,
ang mga gilid-gilid ng kilom-kilom ginadilaan,
Nagapondo sa lalim ng agusanan,
ginapabudbod sa likod niya ang mga anuos galing sa mga asuhan,
naglusot sa verandah, naglukso pinabtik,
at pagkakita niya na masarap na Oktobre ang gabi,
naghilata ito at natulog

Bitaw, mayrong panahon
para sa dilaw na usok na nagalatay sa kalsada
nagahagod ng kanyang likod sa mga bintana
May panahon, may panahon
para maghanda ng mukhang iharap sa mga harapin mong mukha;
may panahon para magpatay at maggawa
at panahon para sa lahat ng gawa at araw ng mga kamay
na nagahukad, nagahain ng tanong sa iyong plato;
panahon para sa akin at panahon para sa iyo,
panahon para sa kadaming pagdalawa-dalawa
para sa  kadaming sana at pagsala
bago magpandesal at tsaa

 

Sa National Bookstore, ang mga dalaga nagadaan

Puro Lang Leav ang ginapag-usapan

 

Bitaw, mayrong panahon
para makaisip, “kaya kaya? at “kaya kaya?”
panahon para maglingon, magbaba sa hagdan
habang may kaspa ang buhok kong kinaraan –
(magsabi yan sila “hala kalaos na ng buhok niya!”)
Ang barong ko, ang kwelyo naka-bangkay sagad sa may baba,
ang kurbata sosyal na tahimik, de-alpiler nakaplastada –

(magsabi yan sila “hala kapayat na ng mga braso at hita niya!”)
Hala, kaya kaya?
Kaya ko kaya,
Makigambala sa ‘sansinukuban?
Sa isang saglit may panahon
para sa mga pagpasya at pagsala
na sa isang saglit mo lang din mausab.

 

Kay alam ko na intawon yan lahat, alam ko na yan lahat:
Yang mga gabi, mga umaga, mga hapon,
Gikutsarita ko na ng takal ang buhay ko;
Alam ko na yang mamatay’ng tinig na kamatayan ang pagguho
sa baho ng himig na galing sa malayong dako.
Anohin ko man daw pag pataka?

 

At alam ko na yang mga tinginan, alam ko na yan –
mga tinginang magtutok sa iyo sa naplastadang ngalan,
at pag naplastada na ako, de-perdible nakabulantang,
pag nakatusok na ako nagangisay sa dingding-tamtakan,
Pano gud ako makasimula
ng luwa sa mga upos ng mga araw ko at galaw?
Anohin ko gud daw pag pataka?

 

At alam ko na yang mga braso, alam ko na yan –
Mga brasong gitanikala, kahamis at makasilaw
(pero sa gasera, ang balahibo maging bulaw!)
Pabango ba ng kanilang
palda ang sa akin makapasimang?
Mga braso nakapatong sa lamesa, o nakabalabal,

Anohin ko gud daw pag-pataka?
Anohin ko pagsugod?

 

Sabihin ko ba, nagalaroy ako sa kilomkilom sa mga dalan-dalan
nagatitig sa mga usok na nagahayaw sa yosi
ng mga nakasandong mga tambay, nagalaroy sa mga kanto-kanto?
Sana naging kagangkagang na mga sipit na lang ako
sa ilalim ng mga malungkot na dagat nagasandu-sando

 

At ang hapon, ang gabi, kasarap ng tulog!

Ginahagod ng mga mahabang daliri
Tulog… pagod … o nagpaluya-luya,
nakahilata sa sahig, dito, tabi natin.
Pagkatapos magmerienda, dapat ba
na pilitin ko ng diin ang problema?
Kahit giiyak ko na at gipuasa, giiyak ko na at gipagdasal,
kahit na itong aking ulo (na kaspahon) gihain na sa plato,
Hindi intawon ako propeta – at hindi ito banal na giliw:
nabantayan ko na ang oras kong nagamaliw,
at nakita ko na ang Kunduktor ng buhay hawak ang pinto ko, nagabungisngis,
at sa madaling salita, natakot ako.
At tama lang din kaya, kung tuusin,
pagkatapos ng mga tasa, ng palaman, ng tsaa,
habang naga-platito, nagatsika ng ikaw at ako
Tama lang din kaya
na tangaggin lang ang problema nang nakangiti,
na ilukot ang sansinukuban pa-bola
para ipagulong papunta sa isang grabeng tanong,
na sabihin: “Ako si Lazaro, nabanhaw,
nagbalik para sabihin sa inyo lahat, sabihin ko sa inyo lahat” –
na ang nagalatag ng unan sa kanyang ulo magyawyaw:
“hindi man yun ang ibig ko sabihin;
hindi man talaga yun ba.”
At tama lang din kaya, kung tuusin,
tama lang din kaya,
pagkatapos ng mga bidlisiw at ng mga tugkaran at ng mga gibudburang kalsada,
pagkatapos ng mga nobela, ng mga tasa, ng mga bestidang nagahagod sa hagdan –
at nito, at ng sobra sobra pa? –
Ay sus hindi masabi itong ibig ko sabihin!
Pero, na parang gihagis ng mahiwagang gasera ang lakas ng loob sa dingding:
Tama lang din kaya
Kung ang nagalatag ng unan o nangalampayan ng balabal,
maglingon sa bintana, magyawyaw:
“hindi man yun ang ibig ko sabihin;
hindi man talaga yun ba.”
Hindi bitaw! Hindi ako si Tom Cruise, at hindi din gitadhana maging;
Alalay lang intawon, tiggawa
ng kilos, tigsimula ng eksena, o dalawa,
Tigbigay payo; bitaw, gamit lang,
Mapagkumbaba, masaya na may pulos,
maro, maingat, makuti;
puno ng talinghaga, pero medyo mahina;
minsan, bitaw, kataw-anan na –
Halos, minsan, ginatanga-tanga.

 

Parang katanda ko na… katanda ko na…
Ipilo ko palabas ang karsones ko sa may paa.

 

Ihawi ko itong buhok ko pina-koreyano? Makakagat kaya ako ng bunga?
Magsuot ako ng skinny jeans, mamaseo sa aplaya.
Narinig ko na nagakanta ng kanya-kanya yang mga sirena.

 

Hindi yan sila magkanta para sa akin.

 

Nakita ko yan sila nagasakay sa balod padagat
ginasuklay ang puting buhok ng dagat palikod
kada ihipin ng hangin ang tubig, puti at itim.
Nagapauraray lang tayo sa mga pahingahan ng dagat
nahaylo ng mga babaeng dagat gikoronahan ng guso
hanggang sa magising tayo ng mga tinig ng tao at malunod.


‘Song of Ripeness’ by Jose Garcia Villa: A translation to Davao Filipino

Awit ng Kahinog

Hinog na ang butong
parang utong sa lubi.
(Dalawa lang ang utong ng babae
maraming buhay-babae sa lubi.)
katagalan magniyog ang butong, mabigat at puno:
mahulog sa puno, at magpulot ako isa… marami…
parang bata, sipsipin ko yang kanilang gata,
sipsipin ko sa mga niyog ang kanilang mga kinayod na awit:
makaalala ako ng maraming babae.
. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
Maghalik ako ng butong kay utong siya ng babae

 

Song of Ripeness
by Jose Garcia Villa

The coconuts have ripened,
They are like nipples to the tree.
(A woman has only two nipples,
There are many women-lives in a coconut tree.)
Soon the coconuts will grow heavy and full:
I shall pick up one…many…
Like a child I shall suck their milk,
I shall suck out of coconuts little white songs:
I shall be reminded of many women.
. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
I shall kiss a coconut because it is the nipple of a
woman.


‘Lanit’: A Translation of the Vietnamese Folk Tale ‘Rat Poison’ to Davao Filipino

(I encountered the humorous Vietnamese folk tale entitled ‘Rat Poison’ in Vietnamese Folk Tales: Satire and Humour, edited by Hữu Ngọc and published in 2012 by Thế Giới Publishers, and it intrigued me. It had almost the exact same premise as another classic work of folk literature, the kyogen play Busu. I intend to translate Busu to DF in the future too!)

20161129_130423

May isang barat na amo na kahilig sa masarap, pero grabe makadaginot pagdating na gani sa ipakain sa mga tauhan niya. Para makalikay lalo sa pangupit o pagyawyaw, yang pinagabugo lang talaga na amaw ang gina-kontrata niya.

Isang araw, bago siya maglaag, gisabihan niya ang kanyang tauhan, isang binatilyo galing bukid na bago niya lang gikontrata:

  • Dong, bantayan mo itong hamon at yang lechong manok ha. At sus, ‘wag mo talaga galawin yang dalawang bote diyan. Lanit (Lannate) yan, makahilo yan masyado.

Pag-alis ng amo, gikuha ng alalay ang pagkain galing sa mesa at gilamon, gipangtulak pa ang bino na nasa dalawang bote.

Pagbalik ng amo nakahapla lang intawon sa tulog ang amaw, parang tunog ng kasing kalakas ang paghagok.

  • Oy ‘dong, buanga ka, gising – sigaw ng amo – anong nangyari sa ulam ko, ha?
  • Ay hala boss sorry talaga masyado – sagot ng binatilyo, nagakusot pa ng mata at nagahikab – gibantayan ko talaga yun, pero ka-maro man talaga nung aso uy. Naglimod lang gud ako ikaisa, pagtingin ko natangay na.
  • Sus, sa hiya ko boss, maghikog na lang sana ako, kaya giinom ko yung iyong lanit!

Mga Kuwentong Hugot

‘Limang Metrong Pagitan’ is in the natural hybrid of Hiligaynon and Tagalog spoken in Jude Ortega’s part of the Sox Region, probably the first time this language contact sees publication!

Cotabato Literary Journal

By Jude Ortega

Wagas na Pag-ibig

At namatay ang lalaki. At may nakita siyang ibang lalaki. Minsan, habang pinapanood ang panibagong minamahal, habang nagluluto ito ng agahan para sa kanilang dalawa, at pareho silang nakatapis lang ng tuwalya, sumagi sa isip niya ang una. Pinangako niya rito noon na ito lang ang mamahalin niya, na hindi kailanman magkakaroon ng puwang para sa iba ang puso niya, na ikamamatay niya kapag nawala ito sa buhay niya.

Gusto niyang malungkot sa alaala. Gusto niyang mahiya o mamuhi sa sarili. Ngunit wala siyang ganoong maramdaman. Nalungkot lang siya na hindi niya magawang malungkot.

Habang iniisip ang nakaraan, nakasunod ang mga mata niya sa lalaking nasa harapan. Napatay na nito ang stove at ngayon ay lumalapit sa kaniya. Hinapit siya nito sa baywang at bumulong na handa na ang agahan, ngunit ibang agahan daw muna ang kanilang pagsaluhan. Natawa siya, at napatili nang hablutin…

View original post 1,053 more words


Touch Move

(This story first appeared on the Inaugural issue of the Cotabato Literary Journal. This is a work of fiction, and any resemblance to reality in this story is purely coincidental. )

the-boy-face-left

Art by Joseph Anthony Harold Dubouzet

Touch Move

Gina-twist ko ang Rubik’s Cube pagpasok ni Dad sa sala. Pag-upo niya sa harap ko kalalim ng buntong-hininga niya, halos hangak na. Nakabarong siya na green na may arabesque na design sa gitna. Kakagaling lang siguro sa korte. Nagpiko siya ng likod palapit sa akin, nakapatong ang mga siko sa mga tuhod, at nakatago ang bibig sa mga kamay na nakalabid ang mga daliri.

May tatanungin siya.

“Len, ayos ka daw ng upo be.” Hindi ito yung iritable na tono niya, ito yung malumanay. Gibaba ko ang mga paa ko mula sa sofa, pero hindi ko giwala ang tingin ko sa Rubik’s Cube. Gisimula ko siya solve.

Nagbalik siya sandal sa upuan niya.

“Problema talaga yang lolo mo . . .”

Gihagisan niya ng tingin ang malaking picture ni Lolo sa ibabaw ng bookshelf ko sa kabilang gilid ng sala. Ito yung masamang tingin, makitid ang mata, pero nagalisik, ganito yan pag galit ang tingin.

Yan si Lolo ko. Jaime Saavedra, tatlong beses governor ng North Cotabato. Noong panahon ni Marcos gitawag siyang strong man ng Cotabato kay halos lahat ng pulitiko dito sa amin hawak niya.

Strong talaga yan siya noon, kahit ako matakot. Noong buhay pa siya, six pa ako, gipakita ako sa kanya ni Dad sa big house sa River Park. Matagal na yun masyado, twenty na gud ako ngayon. Sabi niya pagkakita sa akin, ano man itong anak mo Jerry, abnormal.

Natapos ko na ang Rubik’s Cube. 6.32 seconds.

Nakangiti si Dad, nakatingin sa Rubik’s Cube. A, dapat ako magtanong ano problema niya.

“Bakit, Dad, ano problema?” tanong ko pagyakap ko sa kanya. Gawain man gud yan ni Dad pag may problema, i-distract niya ang sarili niya. Minsan kailangan mo ulit i-remind sa kanya na may dapat pa siya atupagin. Joke minsan ni Mom na sa kanya ko siguro nakuha itong sakit ko.

“Tulungan mo ulit ako, Len, ha . . .”

Tango lang din ako.

Six years, three months, four days ko na ito ginagawa. Nung una ko ito gigawa kakamatay lang ni Tito Pat habang nakaupo na mayor ng Kidapawan. July 14. Tatlong bala sa dibdib, dead on arrival sa Madonna Hospital. Nagplano si Tito Jojo na gamitin ang timing para magtakbo. Pero mainit pa ang dugo ng mga rubber baron kay sila ginadiin ni Vice Mayor Balajadia na nagpapatay kay Tito Pat.

Nakasalampak din sa harap ko noon si Dad, yang pagod ang mukha niya. Siya ang gusto gawing campaign manager at legal adviser ni Tito Jojo. Naga-Rubik’s Cube lang din ako.

Sa desperasyon daw yun sabi niya sa amin ni Mom pagkatapos. Gikwento niya sa akin ang nangyari tapos gitanong niya ano daw gawin ko kung ako tanungin.

Ang tao parang Lego, ang mga kalagayan nila parang Rubik’s Cube, o kahit anong puzzle. Mga piyesa na maiba mo ang kalagayan pag alam mo anohin sila pagposisyon. Posisyon lang talaga, posisyon.

“Bakit nagpunta sa Paco si Tito Pat, Dad?” Gibaba ko na ang Rubik’s Cube.

“Gipakiusapan siya ni Balajadia na magpunta doon sa ribbon cutting ng golf course sa Balindog na gi-commitan niya pero hindi niya mapuntahan kay may meeting siya bigla with an investor sa Davao.”

“Si Balajadia malamang ang nagpapatay kay Tito Pat.” Nakataas na ang mga paa ko sa sofa, pero sa gulat niya hindi ako napagalitan. “Pero walang evidence,” dagdag ko. “At mahirap, malakas si Balajadia, hawak niya ang masa.”

“So . . . so ano suggestion mo gawin natin, Len?” Unang beses yun na pagkatiwalaan ako ni Dad magdesisyon, na sinali niya ako sa trabaho ng pamilya.

“Konsehal muna si Tito Jojo. Kausapin niyo ang mga may gomahan, ipaalam niyo na hindi sila ang ginapagbintangan niyo. Isali niyo ang ikaunlad ng mga gomahan sa platform ni Tito Jojo.”

One year tapos manalo ni Tito Jojo pagkakonsehal, nagbalik si Dad sa harap ko. Nagabasa ako noon tungkol sa Tagasatzung ng Switzerland. April 19.

“Hindi mataas ang ratings ni Tito Jojo . . .” Ulit, nagapalabas lang siya ng steam. Pero problema, at kailangan ko i-solve.

Maalala ko pa, gikuha ko ang Rubik’s Cube, at ang Rubik’s Cube naging Kidapawan. Up, side, down, left, right, left, right, right, left, center, up, down. Tapos sa loob ng ten seconds, naayos ko ulit ang Kidapawan.

“Dapat may gulo sa Kidapawan. Land grabbing dito, summary killings doon. Lahat dapat gawing kasalanan ni Mayor Balajadia. Si Tito Jojo ang lone voice na kokontra.”

Yung liwanag ng mukha na sabi sa mga libro, nakita ko sa mukha ni Dad. Mga ilang buwan tapos nun leading sa surveys si Tito Jojo. Gibilhan niya ako ng Megaminx galing Europe.

Kahirap pala ng Megaminx, pero nakatulong yun, kay nung gigawa ko siyang Kidapawan, nahulaan ko ano sunod gawin ni Balajadia.

November 27.

“Tayo ang gipagbintangan ni Balajadia sa gulo sa Mua-an!” Taranta yun sabi ng mga libro, galit na parang nawawala.

“Ano nangyari, Dad?

“Gipa-negotiate ni Tito Pat mo noon si Councilor Sirolo sa mga Manobo sa Mua-an na ibenta ang bahagi ng ancestral domain nila kay Nonoy Lu ng Regal Suites Hotels para gawing hot springs resort. Nagpayag na sila, nabigay na ang titulo kay Lu, pero pagkamatay ni Sirolo nagbago ang isip nila. Pero kay negosyante man itong mga Lu wala silang pakialam, gipa-fence ang lupa. Ganito man din nangyari noon sa kuya nito ni Lu sa Boracay ba . . . Ayan ngayon, ginademonyo ni Balajadia ang project at ginasabi niya na si Tito Jojo ang may pakana lahat kay kasosyo sila noon ni Lu.”

“Daan pa lagi ako ganito . . . Dad, ipaliwanag niyo sa radyo ang prinsipyo ng contracts. Magbayad kayo ng abogado na hindi kilalang kaibigan ni Tito Jojo.”

“Oo, ginaisip namin yun.”

“Tapos ikaw din magsalita ka rin sa radyo.”

“Ha? Ano din sabihin ko?”

“Na proposal lang yun ni Tito Pat. Si Balajadia ang nagmadali para mabango ang partido nila ni Tito Pat. Nagpakamatay si Sirolo dahil sa stress, ’di ba?”

“Oo.”

“Idiin mo si Balajadia, sabihin mo dahil gi-pressure niya yung tao na ilapastangan ang tribo niya, nagpakamatay siya. Ikaw na bahala na hindi slanderous.”

Mula noon naging spokesperson na si Dad ng pamilya. Natamaan si Balajadia, kaya gitigil niya ang atake. Napatahimik ang mga Manobo ni Tito Jojo sa ilang projects.

Ngayon ang sabi ng mga katulong sa kusina tagilid daw ang kampanya ni Tito Jojo pagka-mayor. Pero hindi ko makita bakit giproblema ni Dad si Lolo.

“Ano pala gigawa ni Lolo, Dad?”

Kalalim na buntong hininga.

“May anak na naman siya sa labas lumitaw.”

Pang-ilan na ito nangyari. Lahat, ang suggestion ko bayaran o iligpit. Anohin mo man ang Lego na hindi magamit kung hindi iligpit, maapakan mo pa lang, kasakit.

“Bayaran pala o iligpit gaya ng iba, Dad?”

“Mahirap ito . . . galing States, may marriage certificate daw siya ng nanay niya at ng lolo mo. Vegas wedding lang gud, pero bago pa sila kinasal ni lola mo. Bakit niya tanggapin ang bayad kung lahat makuha niya! At kung ipaligpit natin, halata masyado . . .”

“Hmm . . .” Pang-Megaminx ito na problema. Gikuha ko.

Up, side, down, left, right, left, right, right, left, center, up, down.

“Mag-uwi daw dito, Dad?”

“Daw. Kaka-email lang sa akin! Kakasabi ko lang kay Tito Jojo, hindi din niya alam ano gawin, tanungin daw kita”

“Sunduin niyo sa Davao.”

“Ha?”

“Tapos pag andito, i-welcome niyo. Wag niyo bigyan ng bahay, ipatuloy niyo muna sa isang bahay natin—wag siguro sa big house, may mga picture ni lola dun, sabi sa mga libro insensitive yun. Bigyan niyo rin ng driver at kotse.” Gihigpitan ko ang hawak ko sa Megaminx. “Tapos pag masaya na siya, isali niyo sa kampanya ni Tito Jojo . . .”

Kabilis naintindihan ni Dad. Giyakap niya ako, at naglabas siya, malamang para tawagan si Tito Jojo.

Gusto ko man sana talaga makatulong sa pamilya ko, pero anohin man, kahirap makipag-usap sa ibang tao. Alam ko gud pano sila magkilos, alam ko ano ibig sabihin ng kilos nila, pero kahirap pa rin. Minsan dalhin-dalhin ako ni Tito Jojo sa mga campaign niya, pero para lang may cute na abnormal kasama, pang-appeal sa mga may awa, para hindi din masyado malayo tingnan ang mga Saavedra. Pero mas makatulong pa sa mismong kampanya sina Carmina at Dinah, yung mga pinsan ko. Pasalamat ako na sa ganitong isip-isip ko makatulong ako sa kanila konti.

Kung hindi mag-solve ng puzzle or maggawa ng Lego, buong araw ako naga-basa-basa, libro man, dyaryo, o internet. Kasarap magbasa ng history, lingaw sundan ang mga nagyari noon at tingnan pano sila nakaapekto sa ngayon. Naging kalingawan na din ni Mom na bilhan ako ng dyaryo araw-araw galing sa simbahan, o kahit ano bang reading material galing sa mga constituent work niya kasama si Tita Salud, asawa ni Tito Jojo. Naging akin na ang sala, na laging puno ng Lego, mga puzzle, at libro. Minsan madaganan ko ng libro ang iPad ko.

Pagpasok mo ng bahay namin ang makita mo agad sa vestibule isang malaki masyadong Lego na winding staircase inclined 40 degrees na may malapad na tuktok. Kadaming gipadala na Lego ni Tito Margot galing Germany, kaya gigawa ko yan. Ang title niya Absolute Destiny Apocalypse.

Kalingaw mag-Lego, para silang mga tao. Pag-ibahin mo ang posisyon, maiba ang kalagayan nila. Ka-lagay-an. Yan. Kung ipag-halo-halo mo sila, iposisyon mo, makagawa ka ng gusto mong buo.

Pamilya lang ang iba, ewan bakit. Mas maintindihan sila, pero mas mahirap sila iposisyon. Alam ko na pag giiba ko sila masali ako, kaya matakot ako, tsaka lain ang pakiramdam kung gawin ko yun. Kawawa na makalungkot na makainis, pero sa sarili ako mainis. Ewan ko ano tawag dito na pakiramdam.

Mga tatlong araw tapos nun, August 11, nagsimula ako gawa ng malaking butterfly na Lego. Makulay yung bagong gipadala na Lego ni Tita Margot (2,586 pieces na lahat ng Lego ko), naisip ko i-contrast yung mga kulay. Red-black-black-white-yellow-red ba, tapos naisipan ko din paglaruan yung angles at pagposisyon sa kanila, 2×3’s para makagawa ng bilog, incremental forward lengthwise 2×4’s para concave, o 2×2’s incremental sideways para simple curve. Tapos naghalo ang kulay at angles at naging butterfly. Naisipan ko gawin, 4.6 feet siya kataas maging.

Nasa antenna na ako nang pumasok si Dad.

May kasama siyang lalaki na hindi ko pa nakita.

“This is Lenny, my son. He made that Lego staircase there. Len, bless ka kay Tito Brandon.”

Nagtango lang ako.

“Len, wag bastos.”

Gibitawan ko ang gihawakan ko na Lego at naglapit sa kanila. Nag-bless ako kay Tito Brandon.

“What’re you making?” Cartoon Network masyado ang accent niya. Nakangiti siya habang nakatingin sa butterfly. “A butterfly! Wow!”

“Opo.” At nagbalik ako ng trabaho. Narinig ko siya nagbulong sa sarili niya ng “It’s amazing.” Tapos nun gi-tour siya ni Dad sa bahay.

Kinabukasan nun, natapos ko na ang butterfly, nakadisplay na siya sa vestibule. Ang title niya Chaos Dream Metamorphosis.

Nagbalik yung Tito Brandon. Nasa sofa ako, naga-Rubik’s Cube.

May dala siyang chessboard. Hindi ko naisipan mag-chess, kaya ewan bakit nagdala siya. Habang patapos na ako sa ginagawa ko, nag-upo siya sa harap ko.

“Hey, Len. Heard hindi ka marunong mag-chess.” Bakikaw masyado pakinggan ang Tagalog niya. Nagtango lang din ako.

“Want me to teach you?”

Bitaw din, bakit hindi ko naisipan mag-chess? Gibaba ko ang Rubik’s Cube at nagtango. Napansin ko na bigla nagliwanag ang mukha niya.

Gituruan niya ako ng mga pangalan ng piece: pawn, rook, knight, bishop, queen, king. Tapos ang mga galaw nila at paano sila magkain. Tapos gituruan niya ako pano mag-arrange.

Gitanong ko kung may notation ba ang chess. Sabi niya oo, ang grid kay a to h parehong side (a sa kaliwa ng puti) tapos 1 to 8 (8 kay rook ng itim). Ang galaw ganun, pawn a4, queen d6. Mas madali kung ganun, maisip mo ang posisyon.

“I have to teach you an important rule though,” sabi niya bago kami magsimula ng laro. “It’s called touch move. Once you touch a piece, you have to move it, provided it’s allowed.”

“Kahirap pala.”

“Yes, so you have to be responsible with what you do.”

Paglaro namin ako itim siya puti. Nahirapan ako sa touch move. Ayoko magkamali, makatakot, makainis. Parang yung pakiramdam habang kausap ko yung ibang tao. Alam ko na pag magkamali ako sira ang usapan namin.

Pawn niya e4, knight ko f6, bishop ko b5 tapos kain ng bishop niya ang bishop ko d7 . . . Kahirap pa masanay sa notation.

Lamang siya konti lang, pero makita sa mukha niya na lingaw siya masyado. Ako man din enjoy.

Isang galaw at na-checkmate niya ako.

“Wow, ang galing mo. I”ve been playing for decades, you just learned, but I barely beat you!”

“One more round po.” At nagtawa siya pagsabi ko nun.

“Game!”

Habang nagalaro kami ginakausap niya ako. Mahirap, kaya ginapaulit ko ang gisabi niya pagkatapos ko mag-move. Katagalan nasanay na siya, kausapin niya lang ako pag siya na ang magkilos. Makainis din kay sa tanong niya ako mag-focus, mawala ako sa laro.

“You have any friends, Len?”

“No po. They get bored with me.” At sa bawat sagot ko magtawa siya. Hindi ko alam bakit pero hindi makahiya kung tawanan niya ako.

Nakailang round kami. Sa pangatlo nasanay na ako, at nanalo ako sa fourth round. Pero kahirap pa rin niya talunin. Gibigay niya sa akin ang chessboard, at nagpasalamat ako (dapat baya magpasalamat pag may ibigay sa iyo). Sabi niya magbalik daw siya bukas.

Tapos nun nag-practice ako. Madali na masyado magposisyon, pero mahirap ang touch move. Alam ko talaga na maling galaw lang mali na ang posisyon. Madali lang mag-isip ng solusyon sa mali, pero parang bawat piece kapamilya ko, kawawa kung makain siya, masakit isipin. Makatakot isipin na maling galaw ko lang makain yung piece. Pero kailangan maggalaw . . .

“Oo, Kuya, handa na . . . Nasa Manongol na si Leon . . . Oo, sniper, galing sa Davao . . . Ikaw na magpasunod sa kanya? Sige, sige . . . Sige, Kuya.”

Gibaba ni Dad ang phone niya. Rinig ko siya sa garden sa labas. Pumasok siya ulit sa sala at umupo sa harap ko: kita sa mukha niya ang kaba. Nakatingin ako sa gigawa kong chess game.

Naghinga siya ng malalim.

“Sige, ’nak, alis muna ako.” Tapos niya ako giyakap nag-alis na siya.

Hindi ko ma-solve ang gi-set up kong scenario. Gikuha ko ang Rubik’s Cube para makaisip. Up, side, down, left, right, left, right, right, left, center, up, down.

Mga tanghali nang dumating si Tito Brandon. Kalaki ng ngiti niya pagkakita niya na nakabukas ang chessboard.

“That looks tough,” sabi niya pagkakita niya sa bagong problem na gi-set up ko.

Pag-upo niya gi-solve ko ang problem.

“Woah!” Tumawa siya.

“Let’s play!” at gi-arrange namin ang pieces. Ako ulit ang itim.

Nakailang rounds kami. Ako lagi panalo, nahanas ko na ang notation, so madali na masyado magposisyon.

Pero para din kasing abala siya, na wala sa laro ang isip niya. Siguro nasa usapan namin: habang nagalaro kasi kung ano-ano mapag-usapan namin—history ba, mga current affairs, pagkain, kahit ano. Kaya katagal namin matapos kada laro, maggalaw lang kami kung tapos na ang isang topic.

Makapagtaka. Hindi man siya pamilya, pero para na siyang naging pamilya pag kausap ko. Siguro kasi nasa laro ang isip ko, at nasanay na ako sa kanya sa gitna ng kada galaw.

“Hey, Len, can I tell you something? Wag ka maingay sa Dad mo ha?”

Tiningnan ko siya nang patanong. Panglima na naming laro.

“I really thought when I got here your Dad and relatives would all hate me. Anak ako sa labas, remember. From all I heard from my mother about your grandma and uncles, I really thought you’d be out to get rid of me.” Nagtawa siya. “I kinda feel bad for thinking that now. Sinundo pa talaga ako ng Dad mo sa Davao! To think my email to him was so terse.”

Anak sa labas? Get rid of him? Sinundo sa Davao? Hala!

“But I’m so glad I have a loving family pala. I came here really to try to get what my father never gave me, and while I was thinking about property and all that, I did get something—a cool pamangkin like you.” Nagtawa siya. “Wala na akong family back in the States since my mom died and my wife and kids left me. But now I have someone to play chess with.” At gigulo niya ang buhok ko. Makita ko na basa kaunti ang mga mata niya.

Nag-ring ang phone niya.

“Hey, Jo . . . Yeah, I’m at Jerry’s. Estanyol, right? Haha . . . Really? Wow, I’m honored. Yeah sure, I’d love to! It’s near here? So the driver knows the place? Okay . . . I have to tell you, I don’t have any experience campaigning! Yeah okay, okay . . . See you . . .”

Hindi ito pwede. Tito Brandon? Campaigning?

“Sorry, Len, Tito Jojo wants me to join his campaign. It’s at Manungol, how do you pronounce that?” Tawa. “Though I don’t think I’ll win this game either.” Tiningnan niya ang laro namin. Nagtayo siya.

“See you later, Len!”

At umalis siya.

Hindi ako nakagalaw. Plano ko ito. Kasalanan ko ito. Dapat ako gumalaw. Pero hindi ako makagalaw, takot ako sa bigat ng galaw ko.

Gusto ko tumayo pero hindi ko kaya. Alam ko dapat ko siya tawagin, pigilan, babalaan. Pero hindi ko kaya. Hindi ko kaya gawin ang dapat ko gawin.

Wala na, nakaalis na ang sasakyan niya.

Hindi ako makaisip ng maayos. Kagulo ng isip ko. Ano dapat ko gawin?

Hindi makatulong ang ingay ng mga katulong sa kusina. Maya-maya gi-on nila ang radyo: maingay na crowd.

“Mga higala, ania na ang atong gipaabot, ang maoy angay himuong mayor sa Kidapawan, ang inyong Jojo Saavedra!” Palakpakan at hiyawan.

Ganito yun lahat. Yung mga giligpit ko para masira ang pangalan ni Balajadia, yung mga anak sa labas ni Lolo, ganito yun sila lahat . . .

Kagulo ng isip ko, kailangan ko mag-isip. Kailangan ko mag-isip.

Nagsalita si Tito Jojo. May ipakilala daw siya sa mga tao. Dahil nga daw masipag ang tatay nila (tawa ang crowd) maya-maya may bagong kapatid sumusulpot. Itong isa galing States, at mahal na mahal daw nila na kapatid. Paki-welcome daw ang kanyang Kuya Brandon.

Palakpakan at hiyawan—at may biglang tuldok ng tunog ng hangin na ginasipsip, at nahaluan ang hiyawan ng sigawan. Gulo. Pati ang mga katulong sa kusina nagkagulo.

Kasalanan ko. Plano ko ito. Sa kusina, nagsimula na salita ang mga katulong gaya ng giplano ko: sigurado, pakana ito ni Mayor Balajadia.

Naganginig ang kamay kong gikuha ang Megaminx. Kaingay ng isip ko.

Up, side, down, left, right, left, right, right, left, center, up, down . . . pero ayaw maalis ng ngiti ni Tito Brandon sa isip ko.

Nabasa na ng luha ang tiles ng Megaminx, sa dulas nabitawan ko.


Pied Beauty by Gerard Manley Hopkins: A Translation to Deriadian Filipino

(This took a long time and a lot of polishing before I got it right, probably my best and most ambitious translation yet)

Batiking Kariktan
translated by Karlo Antonio Galay David

Luwalhati sa Diyos ng kapuntikan –
Sa kámbang-bakang kulay ng kaulapan;
Sa nagmamapang hagod-bulok ng basakang haluan;
Bagang-uling na lamang pili; kuyos ng kuwago;
Lupang nilaraw, niluak – bungkal, daro, arado
At sa lahat ng kabihasaan: basbas, taga, at galho.

Lahat ng batok, bago, bihira, lain;
Ano mang balingbaling, batik-batik (inano kaya?)
ng kaabtik, kabagal; tamis, asim; sidlak, silim;
Kanyang Inama itong lahat, higit-ayos ang ganda:

Purihin Siya.

 

Pied Beauty
by Gerard Manley Hopkins, SJ

Glory be to God for dappled things –
For skies of couple-colour as a brinded cow;
For rose-moles all in stipple upon trout that swim;
Fresh-firecoal chestnut-falls; finches’ wings;
Landscape plotted and pieced – fold, fallow, and plough;
And áll trádes, their gear and tackle and trim.

All things counter, original, spare, strange;
Whatever is fickle, freckled (who knows how?)
With swift, slow; sweet, sour; adazzle, dim;
He fathers-forth whose beauty is past change:

Praise Him.