Sa Pagkaubos ng mga Bukid

(Published in Banaag Diwa 2016, Literary Folio of Ateneo de Davao’s Atenews. This is the first play ever published in Banaag Diwa)

 

Sa Pagkaubos ng mga Bukid

 

Mga Tauhan

Romnick Lumayon: 20 anyos, security guard sa Ateneo de Davao, taga-Mua-an, Kidapawan, may dugong Manobo na halata sa kanyang mukha

Charlene Villarico: 19, MassCom student sa Ateneo de Davao, taga-Woodridge, Davao

Janbert: 20 anyos, kasama ni Romnick sa inuupahang bahay sa Davao

 

Tagpo: Sa kwarto ni Romnick, sa isang bukot-bukot na bahay sa Baranggay 1A, Quezon Boulevard, Davao City, maulan na hapon. Gawa sa plywood ang mga dingding. May kawayang kama sa gitna, may maninipis na unan at kutsong may mga tila lumang punda. May de-plywood na aparador sa kanan, at may bintanang nakakurtina sa kaliwa. Nasa unahan ng aparador sa kanan ang pintuan palabas sa kwarto. Makinang sa floorwax ang sementadong sahig. Malinis ngunit may bahid ng kahirapan ang kwarto.  

Pagtaas ng tabing, naghuhubad ng pangtaas ng damit si Romnick. Sandali itong matutulala, nakatingin sa umuulang tanawin sa labas ng kanyang bintana.

Dudungaw si Janrick sa pinto.

Janbert: Sht, Romnick.

Romnick: (medyo nagulat) Atay, ‘Bert, pagkatok sad uy. Wa man ka gaila’g privacy.

Janbert: (pilit ang Tagalog) Privacy ka jan. Magpasok ako ha.

Tatango si Romnick, papasok si Janbert at uupo sa kama

Romnick: Ug nganong nag-Tinagalog man ka ha?

Janbert: (pakutsa) Ay para sana makapractice ka ba.

Romick: Ug ngano man daw sad ko mu-practice og Tagalog?

Janbert: Yung pinapanguyaban mo na kolehiyala ba. Yeeee!

Romnick: (magugulat, ngunit medyo mahahalatang kinikilig) Hoy giunsa nimo pagkabalo ha. Ug wa ko nanguyab ato oy, giistoryahan ra ko ato.

Janbert: Kay alangan part, kada muagi ra ko diha sa Atenyu, palagi na lang kitang mamatikdan na nakikipag-usap sa isa lang na babae habang naga-duty. Alam ka na nakin, part!

Romnick: Paghilom diha uy.

Janbert: (pilit pa rin ang Tagalog) Dali na, istoryahan mo na ako tungkol diyan sa iyong salad – ay una ko makalimot, may sulat pala para sa iyo. Kadadating lang. (kukuha ng bukas na sobre mula sa bulsa at iaabot kay Romnick)

Romnick: (tatanggapin) Ug nganong abri ni ha? Atay bay, ayaw sag pangabri og sulat sa ubang tao uy (manglilisik ang mata pagkakita sa likod ng sobre, dali-daling babasahin ang sulat)

Janbert: Gibasa ra nako, wa man pud ko kasabot kay English masyado (tatawa). Pero importante na no? Gikan man sa presidente sa Atenyu! Oy unsa na?

Magkahalong gulat at hirap makapaniwala ang makikita sa mukha ni Romnick. Ipapasok niya ang sulat sa sobre at itatago ito sa aparador

Janbert: Oy unsa to?

Romnick: (tila nagising sa panaginip) Ah wala, wala ra. (makakaisip ng pang-abala sa kausap) Hisgutan na lang taka atong babae be.

Janbert: Ay yan, gusto ko yan! Sino pala yan part?

Romnick: Ay ambot ana imong Tagalog-Tagalog do. (uupo) Estudyante sa AdDU.

Janbert: Klaro man sa uniform bay.

Romnick: (tatawa) Aw mao. MassCom, third year.

Janbert: Wow MassCom! Makauyab ka nito ng reporter part!

Romnick: Wa lagi ko nanguyab, unsa ba. Nag-istorya ra me kanunay. Akong naharang diha ikausa sa may Jacinto gate kay wa nagdalag ID. Kay ako ra may duty ato, ako rang gipasulod.

Janbert: Iingon daw inyong panagistorya bay!

Romnick: (madadala sa kilig) O, kahinumdom pa kaayo ko. Giingnan nakog ‘Ma’am, ID.’ Unya gitubag kog ‘Hala kuya guard, nakalimutan ko pala! Hala papasukin mo na lang ako please kay kalayo pa gud ng bahay namin.’ Gitubag pud nakog ‘Ma’am policy man gud ni sa school.’ ‘Alam ko talaga kuya, at nagasisisi talaga ako, pero ano man ang gawin ko?’ Ug nabal-an nakong bright bay kay nidungag og ‘alam mo kuya guard minsan ang policy kailangan iframe against sa backdrop ng greater mission ng university. Education baya ang purpose nitong Ateneo, kung makaabala itong policy sa purpose na yun – gaya nito o, hindi makapasok ang estudyante – tama lang man siguro na kalimutan ang policy. Tapos may super long quiz pa talaga kami ngayon kuya!’

Janbert: (halos hindi makapagsalita sa gulat) Part, kuyawa man diay nimog memory uy

Romnick: (mako-conscious) Ay ayaw na lang uy.

Janbert: Uy binuang ra uy, joke! Pero kacute sad ana niya, unya?

Romnick: (maeengganyo ulit) Kato, nalingaw ko kay maayo kaayo muhimog punto. Nipromise pa nga ipakita niya ang ID ig makuha na niya.

Janbert: Ug gipakita sad niya?

Romnick: Pagkahapon ato. Ug didto na mi nagsugod og tabi-tabi. Kanunay man siya muabot og sayo, unya timing sad nga wa koy kuyog sa Jacinto gate anang orasa. Kato, mutambay siya kuyog nako og magtabi mi. Katong nabalhin akong shift sa Roxas gate, didto na pud siya gasugod og naog.

Janbert: Yeeee! Sinadya talagang magnaog sa Roxas para makatabi ka. ‘Pag-ibig na kaya!’

Romnick: Saba diha uy, sekyu ra intawon ko…

Janbert: Kay siya pala?

Romnick: Taga-Woodridge bay. Benz ang gahatod kada-adlaw.

Janbert: Agay! Sino ba talaga yan siya, part, na dato man masyado?

Romnick: Negosyante ang papa – nakaingon man to nga apil daw anang rice smuggling maong nakapalit silag balay sa Woodridge. Ayg saba ha. Pero kwartahan na daan.

Janbert: Agay! Pero okay lang yan part, (kakanta ng Gloc-9) ‘kahit na, wala akong pera…’

Romnick: (bubuntong hiniga) Kon kwarta ra ang problema…

Janbert: (matatantong seryoso ang kaibigan, iibahin ang takbo ng usapan) Pero ano din ang pinapag-usapan ninyo part?

Romnick: (may kinang ng pangarap – na nababahiran ng kawalang pag-asa – sa mata) Ay bisag-unsa gud. Iyang lessons, iyang mga classmate, makipulitika sad sa campus. Makabright sad baya…

Janbert: (makikita ang kalagayan ng kaibigan, magiging seryoso) Bay, okay ra na, ako kabalo ko, maayo kang tao, ug bisan pag wa man kay Benz, kon utok ray hisgutan di ka malupigan. Pasaylui ra ko usahay ha kon wa koy ayo kaayo kaistorya

Romnick: (matatanto ang pinapahiwatig ng kaibigan) Okay ra uy, salamat sad. Ug okay ra kaayo nang imong katanga bay kay kataw-anan man sad.

Janbert: Agoy! Kasakit mo magsalita part! (tatawa ang dalawa)

Romnick: (Kukunin ang cellphone sa bulsa. Babasahin) Hala nagtext!

Janbert: Kinsa? Siya!? Atay nagpinangayua’y na diayg number! ‘Hey I just met you, and this is crazy..!

Romnick: Paghilom. (nagbabasa) ‘…asan ka gani nakatira dito sa Davao?’ (magta-type) Sent.

Janbert: Hala kinikilig ako na talaga!

Romnick: Saba diha – naa na dayoy reply!

Janbert: Grabe, kabilis ng mga pangyayari!

Romnick: (nagbabasa) ‘asan banda specifically?’ (magtatype)

Janbert: Gusto ka gyud talaga niya makilala part!

Romnick: (halatang kinikilig din) Pagpuyo diha uy. Hoy wa ba kay trabaho ron?

Janbert: Pinakyaw ni Angkol Muklo ang lahat ng aking Tamban, baby! Choks to Go ang hapunan natin ngayon!

Romnick: (matutuwa sa kaibigan) Sige bay, sa sunod ako na sa’y manglibre.

Janbert: Ay ayaw na uy, kabalo baya ko gatigom ka. Gibuhi pa nimo imong mama di ba?

Romnick: Wa ra uy, di gyud to musugot buhion nako, bahala na dawg asin ray masud-an niya sa halin sa tambo, basta iyaha dawng kwarta. Ako daw ning kwarta.

Janbert: Okay ra pud siya didto? Di ba bukid ang Mua-an? Ang tuhod ni mommy!

Romnick: Mao ganing kusgan gihapon. Mag saysenta na gaigib gihapog tubig pasaka.

Janbert: Kanus-a ka mouli sa Kidapawan sunod?

Romnick: Next month siguro, tan-awon ra.

Janbert: Unsa ganiy gitiguman nimo? Pamilya no? Yeee!

Romnick: Wala uy, wa pa na intawon misulod ang pamilya sa akong utok. (medyo mahihiya) Ganahan unta ko mu-skwelag college.

Janbert: Daan pa lagi ko. Sige ra part, tabangan taka ana.

Romnick: (mahahabag) Ay ra uy.

Janbert: Di bitaw, tabangan taka ana, hanapan kita ng bayot na magpalubot – ay!

Romnick: (babatukan) Amaw.

Janbert: Hindi bitaw part, magkayod din ako para sa iyo uy, para pag mag-reception na kayo sa Woodridge, i-invite niyo ako! ‘Romeo take me somewhere we can be alone…’

Romnick: Saba diha uy. (ngunit matutuwa sa kaibigan) salamat bay ha.

Janbert: Walang problema, parekoy. Basta, dal-a ra kog rambutan inig mouli kag Kidapawan.

Romnick: (tatawa) Mao!

Janbert: (titingin sa bintana) Aguy kinsa ning paingon dinhing gwapa! Gikaistorya man si Nang Soling.

Romnick: (lilingon, mabibigla) Charlene! Ginoo!

Janbert: Hala mao na siya part!?

Tatakbo sa bintana at dudungaw si Romnick

Romnick: Charlene!

Charlene (boses): Rom! (tunog ng paglakad sa matubig na daan) Dito pala ang sa inyo.

Romnick: Sus anong ginagawa mo nagpaulan! Pasok ka, pasok!

Janbert: (dudungaw sa bintana) Hi Charlene, ako si Janbert, best friend ni Romnick, nice meeting you.

Romnick: Saba diha, pasudla siya, abtik

Magkakandarapa si Janbert palabas ng kwarto. Dali-daling magsusuot ng T-shirt si Romnick.

 Maririnig ang tunog ng pagsara ng pinto.

Aktong lalabas si Romnick ng kwarto ngunit papasok sina Charlene at Janbert. Basang basa si Charlene sa ulan, ngunit mas gaganda siya dahil dito. Para siyang Nahamugang prutas, kumikinang sa kasariwaan.

Charlene: (maharot ngunit may bahid ng mapanganib na pamimighaning hindi mapupuna ni Romnick) Hi, Rom.

Romnick: Sus, basang basa ka. (kukuha ng twalya sa aparador at iaabot sa kanya) Ito o. Upo ka.

Uupo si Charlene sa kama habang nagtutuyo ng buhok at katawan.

Romnick: Bay, timplahi sa tag kape

Charlene: Ay ‘wag na, salamat na lang, Janbert.

Janbert: Sigurado ka, Charlene? Timplahan kita kung gusto mo. (madadama na ang tensyon sa kwarto) Kung-kung mayroon kayong kinahanglan, tawagin lang niyo ako ha, diyaan lang ako sa gawas.

Charlene: (nakangiti) Thank you, Jan.

Lalabas si Janbert.

Charlene: Kataw-anan lagi yung friend mo.

Romnick: (nakangiti) Ay ganyan talaga yan. Be, ano man din nakain mo na naisipan mong magpunta dito sa ganitong ulan?

Charlene: (maharot) Sorry na po, gusto lang kita makita. (tatayo, titingin-tingin sa kwarto) Kalinis ng kwarto mo. Akala ko makakita ako ng nakapaskil na picture ni Isabel Granada o sino ba sa dingding, pero kahit maliit na sticker sa lighter wala. (tatawa)

Romnick: (maaaliw) Isabel Granada talaga?

Charlene: Tingin ko ikaw yung type na Isabel Granada ang ilagay sa dingding.

Romnick: Na maglagay sa dingding…

Charlene: Oo, di ba ganun man ang uso sa inyo? (tatawa. Hihingang malalim) Kabango, amoy ikaw.

Romnick: Alangan naman.

Charlene: (tatawa, uupo ulit, yuyuko at titingin sa ilalim ng kama) Be daw kung nandito ba ang mga FHM… Uy, puro libro (kukuha ng isang libro)

Romnick: (nahihiya) wala na kasing lugar para lagyan, sa ilalim ko na lang nilalagay.

Charlene: (tatawa) Precious hearts! Mahilig ka pala sa ganito, Rom! (tatawa ulit)

Romnick: Ay kahit ano basta mabasa. Noon yan, yan man ang kalingawan ng nanay ko noon. Pagdating ko ng Davao nagsimula ako pangukay ng kung-ano-ano sa Booksale.

Charlene: (tatawa ulit pagkakuha ng isang libro) Wow sorry lang sa ‘landmark cases in Philippine Law.’ Wow tag-singko lang! Kataw-anan, precious hearts tapos Philippine Law!

Romnick: Malingaw man ako sa law. Makaisip ka minsan. Kinailangan ko din bumili ng dictionary na maliit.

Charlene: (hindi mapupuna ang kinang sa mata niya, ibabalik ang mga libro, lilingon-lingon ulit) Kalinis mo pala talaga ‘no.

Romnick: Pero hindi siguro kasing linis ng bahay niyo. Pero bitaw, bakit mo man din talaga naisipan magpunta dito?

Charlene: (tatayo, magagala tungo sa pinto) Ay wala lang gud uy, naisip ko lang na bisitahin ka. Bawal? (ila-lock ang pinto ng nakatalikod)

Romnick: (maririnig ang pag-lock ng pinto, kakabahan) Hindi man, pero – pero syaro pud gilusong mo itong ulan para lang magbisita…

Charlene: (lalapitan si Romnick, na dahan-dahang lalayo. Mapapatayo sa may bintana, si Romnick mapapatayo sa pinto, ngunit wala itong lakas na buksan ang kandado) O, para lang magbisita. (haharap sa bintana. Matapos ang sandaling katahimikan, isasara ito).

Romnick: (lalong kakabahan) Nag – nagtaxi ka?

Charlene: Nagsakay lang ng jeep. Kalingaw pala magjeep no, makaisip ka.

Romnick: Pero sigurado siksikan ang jeep ngayon kay ulan. Amoy singhot siguro no (sinusubukang walain ang tensyon)

Charlene: (dahan dahang lalapit) O, parang mga sardinas ang tao sa loob. Pero okay lang. Minsan magcrave man din ako ng amoy ng pawis. (nasa harap na ni Romnick. Aamuyin ang dibdib nito. Pabulong) Amoy pawis ka, Rom.

Romnick: (Mawawala sa sarili. pabulong din) Ikaw amoy ulan… (magkalapit na ang mga mukha nila. Ngunit bigla itong masisindak at itutulak palayo si Charlene). Uy naano ka na man!

Charlene: (may kaunting pagkayamot) As if ako lang…

Romnick: (matatanto ang muntik gawin, iibahin ang usapan) Pero – pero yung si – yung si Steven pala?

Charlene: Ay sus yun ba, Rom? (tatawa ng tila pilit) Wala yun uy, crush-crush lang man yun. (lalapit ulit) Wag mo na yun isipin uy…

hahalikan si Romnick

Maghahalikan ang dalawa ng ilang sandali, ngunit itutulak ulit ni Romnick si Charlene

Romnick: (pabulong) Charlene, anong problema? Hindi ka ganito…

Charlene: Ha? Wala uy, gusto lang talaga kita.

Romnick: (mahigpit) Hindi, may problema ka, anong nangyari?

Charlene: (magiging galit ang kanina lang ay mapang-akit na tingin) Grabe, ganon ba talaga ako ka-walang kwenta na kahit ikaw hindi ko malandi..? (Pipiliting halikan si Romnick ng ilang beses, ngunit tatanggi ito. Magdadabog ito sa inis, mapapaupo sa kama at iiyak) Ka-wala kong kwenta..!

Romnick: (bubuntong hininga. Uupo sa tabi ni Charlene) Sige, anong nangyari?

Sandaling iiyak si Charlene. Malulunod ng ingay ng ulan ang kanyang pag-iyak.

Charlene: (hirap magsalita sa kanyang mga luha, nakatitig sa kawalan) Ilang araw ko gud gihanda ang sarili ko para masabi ko na sa kanya. Kay alam ko na hindi na kami magtagal maging magkapit-bahay, magbalik na siya sa Manila kay tapos na ang bakasyon… Para akong tanga gakausap sa sarili ko sa mirror, balik-balik rehearse sa kung saan man mapunta ang usapan sa kotse niya… Ayun, kaninang tanghali giaya na naman niya ako mag-drive drive, last laag na daw niya sa Davao… Nasa may bandang Maa na kami nung magsimula ang ulan.  ‘Baha na naman?’ sabi niya sa may San Rafael, ‘bumabaha rin sa Kamaynilaan, pero tangina, doon walang kangkong ang bahaan’ tapos tawa… Hay kahit condescending yung tawa niya kacute pa rin… Ayun, hindi ko napigilan, nasabi ko… ‘Steve, yang… ngayong summer lang tayo nagkakilala, konti pa lang masyado ang alam ko sa iyo, pero, yang… I… I think I’m falling for you…’

Malulunod ulit si Charlene sa kanyang mga luha. Nakatitig sa kanya si Romnick, puno ng awa ang tingin.

Charlene: (mas lalong hirap magsalita) Gihalikan niya ako. Gihinto niya ang kotse sa may Marfori banda para halikan at hawakan ako. Pero nagtigil siya sandali. Nagpasalamat siya, pero nagsorry siya kay hindi daw niya mabalik ang naramdaman ko. ‘We can play around while I’m still here, pero walang seryoso…’ No offense meant daw, pero hindi daw niya talaga maimagine na magpatol ng promdi, ng taga-bukid. Siguro daw maintindihan ko man. Taga-Manila daw siya, Intsik pa talaga, ano daw sabihin ng mga tao sa kanila na nakauyab siya ng taga-Mindanao. Taga-bukid… Wala akong nagawa kung hindi magtango sa gisabi niya, so nag-patuloy siya ng drive, nag-yagayaga na parang walang nangyari… Pero pagdating namin sa may DMSF sa Bajada hindi ko na natiis, nagpababa ako. Ayun, nagsakay ako ng jeep papunta dito.

Romnick: (halos walang malay na pagkakasabi) Alam ng mga magulang mo nandito ka?

Charlene: Nasa-Cebu sila, next week pa babalik. (tila ngayon lang ulit naalala na katabi niya si Romnick, mapait na nakangiti) Rom, Taga-bukid lang daw ako… taga-bukid (tatawa ng hibang) Taga-bukid lang tayo! Mga nasa-ilalim ng Pilipinas (pilit na Bisaya) nasa ubos diay, hindi diay tayo mag-Tagalog-Tagalog kay wala tayong karapatan ana. (tatawa ulit. Unti-unting mapapalitan ng pagkamuhi ang awa sa mukha ni Romnick, hindi niya ito mapupuna)

Biglang hahawakan ang mukha ni Romnick, ihaharap sa kanya, at hahalikan ng masidhi.

Charlene: Kaya wag ka nang magdalawa-dalawa na dumihan ako, Rom. Taga-bukid lang tayo lahat dito. (tatawa, hahalikan ulit) Sige, dumihan mo ako. Ubusin mo ako.

Romnick: (mag-aalab ang muhi sa mata. Itutulak pahiga sa kama si Charlene. Habang nakapaibabaw dito) Sige, ubusin kita. Tilukin kita. Tilukin kita hanggang sa wala nang matira sa iyo. Hanggang sa wala nang matira sa iyong dignidad. Hanggang sa wala na yang bukid kung saan ka nagamaliit at nagataas-taasan. Ubusin kita, at ubusin ko ang iyong mga bukid.

Hahalikan niya si Charlene ng bayolente, ipapasok ang kamay sa bestida nito at dahan dahang iaakyat sa dibdib.

Masisindak si Charlene, didilat ang mga mata nito, at itutulak si Romnick palayo. Mahuhulog si Charlene sa sahig at iiyak.

Charlene: Hindi! Hindi ko kaya! Ayoko nito, ayoko! Madumi, masikip, mabaho, mahirap! Kadiri! Hindi ako dito, hindi! (iiyak)

Kakagatin ni Romnick ang kamao sa galit at maluluha sa hindi mabulyaw na pagkamuhi. Ngunit habang humahagulgol si Charlene makakalma si Romnick, hihingang malalim, at lalapitan si Charlene upang akayin patayo. Ngunit itataboy nito ang tulong ni Romnick, at mananatiling nakalupasay sa sahig, umiiyak. Titila na ang ulan.

Romnick: (matapos magtimpi ng damdamin) Charlene, tama na. (Walang kibo mula kay Charlene). Charlene. Tama na. (Wala pa ring kibo. Sandali ulit magtitimpi. Tatayo. Malamig ang pagkakasabi). Ma’am, kinahanglan na siguro ninyo mouli.

Mahihimasmasan si Charlene at mababalot ito ng matinding kahihiyan. Nakayuko itong tatayo, hihingi ng paumanhin, at tatakbo lalabas.

Mapapaupo sa kama si Romnick.

Papasok ng dahan-dahan si Janbert, may pag-alala sa mukha.

Susuntukin ni Romnick ang sahig sa galit at mapapaiyak. Lalapitan siya ni Janbert at tatahanin. Hindi muna ito magtatanong kung anong nangyari.

Janbert: Okay ra na bay, okay ra na.

Hihingang malalim si Romnick at tatayo. Kukunin niya ang sulat na tinago sa aparador.

Romnick: Bay, pasaha sa kog load palihog

Walang tanong na papasa ng load ni Janbert.

May tatawagan si Romnick

Romnick: (matapos ang sandaling katahimikan, sa telepono)… Mang, Mang si Romnick ni… Maayo kay naay signal diha… ay wala, gisip-on ra, ulan man gud diri… Mang, kanang, naa diay koy balita… Gitagaan kog scholarship sa Ateneo sa mga Hesuwita, four years undergrad unya pwede sad ko mag-law… (pipigilan ang pagluha) lagi mang, lagi… (hindi mapipigilan at luluha) muadto gani kog simbahan ron aron magpasalamat sa Ginoo… AB English man kunoy okay nga pre-law mang…. Aw, sakto ra man sad ni, basin naa sad koy ikadungag ani… Next month siguro, mang…. Sige, sige, ayo-ayo mang…. (ibababa ang telepono)

Janbert: scholarship bay..!?

Romnick: Lagi…

Janbert: Uy congrats..!

Romnick: Unya na na. Pila gani’y reward ni Duterte sa tip bahin anang smuggling?

Janbert: (malilito) Aw, depende daw unsa kadako, kanang bigtime gyud pagkabalo nako 2 million daw. Ngano bay?

Romnick: (hindi sasagot, tatawag ulit. Sa telepono) Hello. Good afternoon ma’am, City Mayor’s Office? Ay hala mayor, good afternoon… May ireport po sana ako doon sa smuggling information na ginahanap niyo… Jun Jun Villarico, negosyante na taga-Woodridge, may links kay Davidson Bangayan… Warningan ko lang kayo mayor na posibleng may koneksyon ito sa Sanggunian… Salamat mayor…. Ay saka na po siguro pag na-confirm na ninyo, hindi din po ako sigurado sa info ko, pero reliable po yung source ko… Sige, salamat po. (mapapaupo ulit at tatabunan ang mukha ng kamay)

Janbert: (may kaunting takot sa kaibigan) Okay ra na bay, okay ra na. Naa pay pag-asa.

Romnick: (mapapangiti ng mapait) Wala na bay. (sa sarili) Wala nang pag-asa, ubos na. (tatayo) Pero ang naa sa ubos, pasaka na lang ang kapadulngan.

Lalabas si Romnick at dahan dahan itong susundan ng maingat na si Janbert. Gabi na pagbaba ng

Telon

Advertisements


Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s