The Lovesong of J. Alfred Prufrock: A liberal translation to Davao Filipino

Ang Kundiman ni J. Alfred Prufrock

Kung wari ko”y itong sagot ay binibigay
sa sino mang pabalik sa mundo
Ang pagliyab nitong aking dila”y agarang mamamatay.
Ngunit dahil mula dito sa Impierno
wala pang sino man sa pagtakas ay nagtagumpay-
Walang takot na mapahiya akong magsasaysay

 

Tara na, ikaw at ako
habang nakabulantang ang gabi sa kalangitan
na parang pasyenteng bangag sa disdisanan.
Tara sa mga mingaw na mga dalan,
Mga nagayawyaw’ng taguanan
ng mga hindi mapakali na gabi sa mga motel’ng baratuhon
at mga abog na karinderyang nagabaligya ng turon:
mga dalan nagalatay parang kapoy na pangaway
ng mga malisyosong sadya
para idala ka
sa isang grabeng tanong…
Ay “wag mo na tanungin ano
Tara at maglaroy na lang tayo”

 

Sa Starbucks, ang mga dalaga nagadaan

Si Sarah Kaye ang ginapag-usapan.

 

 

Ang dilaw na hamog nagahagod ng likod niya sa mga bintana,

Ang dilaw na usok nagahagod ng nguso niya sa mga bintana,
ang mga gilid-gilid ng kilom-kilom ginadilaan,
Nagapondo sa lalim ng agusanan,
ginapabudbod sa likod niya ang mga anuos galing sa mga asuhan,
naglusot sa verandah, naglukso pinabtik,
at pagkakita niya na masarap na Oktobre ang gabi,
naghilata ito at natulog

Bitaw, mayrong panahon
para sa dilaw na usok na nagalatay sa kalsada
nagahagod ng kanyang likod sa mga bintana
May panahon, may panahon
para maghanda ng mukhang iharap sa mga harapin mong mukha;
may panahon para magpatay at maggawa
at panahon para sa lahat ng gawa at araw ng mga kamay
na nagahukad, nagahain ng tanong sa iyong plato;
panahon para sa akin at panahon para sa iyo,
panahon para sa kadaming pagdalawa-dalawa
para sa  kadaming sana at pagsala
bago magpandesal at tsaa

 

Sa National Bookstore, ang mga dalaga nagadaan

Puro Lang Leav ang ginapag-usapan

 

Bitaw, mayrong panahon
para makaisip, “kaya kaya? at “kaya kaya?”
panahon para maglingon, magbaba sa hagdan
habang may kaspa ang buhok kong kinaraan –
(magsabi yan sila “hala kalaos na ng buhok niya!”)
Ang barong ko, ang kwelyo naka-bangkay sagad sa may baba,
ang kurbata sosyal na tahimik, de-alpiler nakaplastada –

(magsabi yan sila “hala kapayat na ng mga braso at hita niya!”)
Hala, kaya kaya?
Kaya ko kaya,
Makigambala sa ‘sansinukuban?
Sa isang saglit may panahon
para sa mga pagpasya at pagsala
na sa isang saglit mo lang din mausab.

 

Kay alam ko na intawon yan lahat, alam ko na yan lahat:
Yang mga gabi, mga umaga, mga hapon,
Gikutsarita ko na ng takal ang buhay ko;
Alam ko na yang mamatay’ng tinig na kamatayan ang pagguho
sa baho ng himig na galing sa malayong dako.
Anohin ko man daw pag pataka?

 

At alam ko na yang mga tinginan, alam ko na yan –
mga tinginang magtutok sa iyo sa naplastadang ngalan,
at pag naplastada na ako, de-perdible nakabulantang,
pag nakatusok na ako nagangisay sa dingding-tamtakan,
Pano gud ako makasimula
ng luwa sa mga upos ng mga araw ko at galaw?
Anohin ko gud daw pag pataka?

 

At alam ko na yang mga braso, alam ko na yan –
Mga brasong gitanikala, kahamis at makasilaw
(pero sa gasera, ang balahibo maging bulaw!)
Pabango ba ng kanilang
palda ang sa akin makapasimang?
Mga braso nakapatong sa lamesa, o nakabalabal,

Anohin ko gud daw pag-pataka?
Anohin ko pagsugod?

 

Sabihin ko ba, nagalaroy ako sa kilomkilom sa mga dalan-dalan
nagatitig sa mga usok na nagahayaw sa yosi
ng mga nakasandong mga tambay, nagalaroy sa mga kanto-kanto?
Sana naging kagangkagang na mga sipit na lang ako
sa ilalim ng mga malungkot na dagat nagasandu-sando

 

At ang hapon, ang gabi, kasarap ng tulog!

Ginahagod ng mga mahabang daliri
Tulog… pagod … o nagpaluya-luya,
nakahilata sa sahig, dito, tabi natin.
Pagkatapos magmerienda, dapat ba
na pilitin ko ng diin ang problema?
Kahit giiyak ko na at gipuasa, giiyak ko na at gipagdasal,
kahit na itong aking ulo (na kaspahon) gihain na sa plato,
Hindi intawon ako propeta – at hindi ito banal na giliw:
nabantayan ko na ang oras kong nagamaliw,
at nakita ko na ang Kunduktor ng buhay hawak ang pinto ko, nagabungisngis,
at sa madaling salita, natakot ako.
At tama lang din kaya, kung tuusin,
pagkatapos ng mga tasa, ng palaman, ng tsaa,
habang naga-platito, nagatsika ng ikaw at ako
Tama lang din kaya
na tangaggin lang ang problema nang nakangiti,
na ilukot ang sansinukuban pa-bola
para ipagulong papunta sa isang grabeng tanong,
na sabihin: “Ako si Lazaro, nabanhaw,
nagbalik para sabihin sa inyo lahat, sabihin ko sa inyo lahat” –
na ang nagalatag ng unan sa kanyang ulo magyawyaw:
“hindi man yun ang ibig ko sabihin;
hindi man talaga yun ba.”
At tama lang din kaya, kung tuusin,
tama lang din kaya,
pagkatapos ng mga bidlisiw at ng mga tugkaran at ng mga gibudburang kalsada,
pagkatapos ng mga nobela, ng mga tasa, ng mga bestidang nagahagod sa hagdan –
at nito, at ng sobra sobra pa? –
Ay sus hindi masabi itong ibig ko sabihin!
Pero, na parang gihagis ng mahiwagang gasera ang lakas ng loob sa dingding:
Tama lang din kaya
Kung ang nagalatag ng unan o nangalampayan ng balabal,
maglingon sa bintana, magyawyaw:
“hindi man yun ang ibig ko sabihin;
hindi man talaga yun ba.”
Hindi bitaw! Hindi ako si Tom Cruise, at hindi din gitadhana maging;
Alalay lang intawon, tiggawa
ng kilos, tigsimula ng eksena, o dalawa,
Tigbigay payo; bitaw, gamit lang,
Mapagkumbaba, masaya na may pulos,
maro, maingat, makuti;
puno ng talinghaga, pero medyo mahina;
minsan, bitaw, kataw-anan na –
Halos, minsan, ginatanga-tanga.

 

Parang katanda ko na… katanda ko na…
Ipilo ko palabas ang karsones ko sa may paa.

 

Ihawi ko itong buhok ko pina-koreyano? Makakagat kaya ako ng bunga?
Magsuot ako ng skinny jeans, mamaseo sa aplaya.
Narinig ko na nagakanta ng kanya-kanya yang mga sirena.

 

Hindi yan sila magkanta para sa akin.

 

Nakita ko yan sila nagasakay sa balod padagat
ginasuklay ang puting buhok ng dagat palikod
kada ihipin ng hangin ang tubig, puti at itim.
Nagapauraray lang tayo sa mga pahingahan ng dagat
nahaylo ng mga babaeng dagat gikoronahan ng guso
hanggang sa magising tayo ng mga tinig ng tao at malunod.

Advertisements


Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s