Gigi

             “Ako’y gapo sa danaw, isinaog sa dalampasigan
ng mga alon ng puot”

– mula sa Aya no Tsuzumi

           “It’s a thief in the night to come and grab you
It can creep up inside you and consume you
A disease of the mind that can control you”

– Rihanna, Disturbia

Tagpo: Sa sala ng bachelor’s pad ni Gilbert, Sandawa Homes Phase 2, Kidapawan City, sa kasalukuyang panahon at kamalayan. Hatinggabi.

Magaganap ang dula sa loob ng isang araw

Mise en scene: Nasa kaliwa ang pintuan palabas ng bahay, at sa kanan naman ang pinto papasok sa kwarto ni Gilbert. May sofa sa gitna ng entablado, nakaharap sa manonood. Sa likod nito may iba pang mga upuan na nakapalibot sa isang coffee table, lahat moderno ang disenyo. Sa taas ng entablado may estante na may mga nakasarang drawer, salamin, puon, at isang malaki at agaw pansing piraso ng T’nalak, nakasabit na parang hanging scrolls. Tila hinabing bangungot ang disenyo nitong T’nalak, nakamamangha’t nakaiilang. Maraming mga ibang kagamitang lumad (Manobo, T’Boli, Mandaya) sa sala, gaya ng mga estatwa, mga maliliit na tansong kampanilyang pabitay sa kwintas, at de rattan na basket na sisidlan ng payong. Sa kabuuan, modernong may ethnic accent ang motif ng malinis ngunit may pagkamalamig na silid.

Pagbukas ng telon, nakaupo na si Gilbert sa sofa, nasa-telepono habang inaasikaso ang ilang papeles. May dating na tila laging seryoso si Gilbert, ngunit hindi mababahiran ng kanyang kabisiha’t kaalaman ang kabataang tatak ng kanyang mukha. Deretso at “tama” ang kanyang Tagalog. Siya ang larawan ng edukadong lumad at ng kabataang politikong nagsisimulang manguna ngayon sa lokal na pulitika ng North Cotabato.

 

 

(Read the rest of this play on Wattpad!)

Advertisements


Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s