Yawyaw ng Rich Girl sa kanyang M.U.

(My latest Davao Filipino poem. Dedicated to many people, particularly my father, who always had class issues. but mostly inspired by Meesh Salazar.)

Yawyaw ng Rich Girl sa kanyang M.U.

(sagot kay Gloc-9)

Like ka na gud sana talaga ng friends ko
kay ka-smart mo kausap, kacute mo pa.
Madala daw talaga kita sa Mall.
Pero hanggang Victoria lang man ang gusto mo uy
kay sabi mo pa panghilas lang yang Mall-Mall.
Libakin mo pa talaga ang friends ko
na ‘pasosyal,’ na gasto sila masyado.

Gosh, kung magdate lang tayo sa Viking’s ‘no
sa iyo pa lang gud sana, busog na ako.
Pero ayain pa lang kita mag-KFC
mawalaan ka na ng gana.

Hindi mo din ako maaya mag street food
kay akala mo hindi ako
mag-eat ng kwekwek,
o kahit sa barbekyuhan
kay akala mo luodan ako sa isaw.

Kahit Ylang-Ylang lang gud sana
basta galing sa iyo, kasweet na.
Pero magyawyaw ka lang sa sarili mo
kay tag-500 ang magandang bouquet.

Ikaw man sana talaga ang reason ba
bakit Forever21 o Maldita lagi aking top
nagpabuy pa gani ako kay dad
ng Versace na pabango.
Pero kada may bago akong bag,
mug-otan mo lang ako palagi

Magsabi ka lang
na hindi mo ako ma-afford.

Kasarap na gud sana i-share sa iyo
ang bakasyon namin sa Boracay o sa Macau –
na gusto ko sana magsakay
ng gondola sa Venetian Macau
kasama ka,
na gusto ko makita
ang abs mo habang naka-trunks ka,
at na makita mo ako naka-two piece.
Pero ‘bakasyon’ pa lang sabihin ko
matahimik ka na, masira na ang mood mo.

Okay man din ba na magkwento ka
na noon sa ilalim lang kayo ng tulay nakatira
na asin lang ang ulam niyo minsan,
na nag-labada pa noon ang nanay mo.

Pero pwede ang kalawak naman ng mundo
ang pag-usapan natin? Wala ka na gud
sa ilalim ng tulay.

Pero kasalanan pa rin masyado sa iyo
na sa Woodridge ako nakatira,
na mahilig sa jewelry si mom,
na hindi ako nakatikim mag-ulam ng asin.

Hindi mo gud ma-measure sa pera ang kaligayahan.

Sigurado ka gusto mo ako ligawan?
Mayaman baya ako masyado
para sa iyo.

Advertisements


Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s