Tawag

(A flash fiction dramatic monologue.)

Tawag

Hello ‘nak, ano man? Nag-session kami kaya hindi kita nasagot kanina. Oo, nasa Capitol ako – ‘nak, anong problema? Nag-iyak ka? Bakit ganyan ang boses mo?
Sige na, tahan na, kausapin mo si daddy… ano pa lang problema ‘nak..? ‘Justin’? Sinong Justin-? Boyfriend mo!? Ikaw ha, nagaboyfriend-boyfriend ka ng hindi alam ni daddy. Alam ni mommy mo? Hindi rin! 23 ka pa baya ha, nakapa-Davao ka lang – o tahan na, tahan na, okay lang ‘nak, nandito si daddy. Wag mo na lang isipin yung walang pulos na yun ‘nak, gipaiyak niya ang babby girl ko-
Anong wala siyang ginawang masama – Ano? Anong he’s dead… Ano…!? Sinong pulis ang nagtawag sa number mo..!? Tirona, parang superintendent yan sa Matalam. Ano daw nangyari, ‘nak..? Grabe, 50 gunshots sa mukha. Baka may –
‘Nak, yang… anong buong pangalan nito ni Justin? Hindi mo na siya napakilala sa amin ng mommy mo… (Shit) I see… oo, narinig ko, reporter sa DXND. Oo, parang na-interview na niya ako minsan. Tama, last year yun, chair pa ako ng EnviCom sa Provincial Board. He looked like a good guy… (shit)
Tahan na ‘nak, tahan na. Asan na daw siya ngayon..? Sige, dalaw tayo bukas sa kanila sa Makilala nina mommy. Saan mo siya nakilala, ‘nak? Wow, naga-Law habang journalist, masipag na bata.
Sige lang ‘nak, we’ll pray for him. Ngayon ganing summer ‘nak, pagkatapos mo sa lawschool, bakasyon tayo nina mommy at kuya Alex ha – let’s go to Italy! We shouldn’t let Justin’s death bring us down, i-enjoy natin ang world para na din sa kanya-
Ay diyan-diyan lang gud, does it matter pa kung saan ko nakuha ang – Borromeo logging? Pano napunta ang usapan sa-? E-ewan kung bakit nagkuha din ng tickets to Italy ang Borromeo logging, basta ako nagpabili nitong – oo, nag-apply nga sila ng permit, sa protected area sa may Ilomavis man yun, pero pending pa man –
Oo, I went to Davao nga last month pero anong kinala- (shit) Oo, I met Rex Borromeo, pero – ‘nak? ‘nak asan ka na? (shit) ‘nak…? Anong may added 10 million sa – oy, ginatignan mo ang bank account ko sa PC ko!? Nasa kwarto ka namin ni mommy!? Bakit ka – hindi uy, yang ano- (Shit)
Nak, gikailangan ko man gud, ako man gud mapahamak… Oo, ako nagpaligpit sa kanya, kadami na man gud ng nalaman niya, konti na lang malaman na niya na ako ang backer ni Borromeo – nak, intindihin mo gud, si daddy ang makulong, kickback gud yun! Sus… hindi ko man din gud talaga alam… hindi mo din nabanggit sa kanya na ako ang daddy mo? Sus, kung alam ko lang talaga, kung alam lang din sana niya –
‘Nak? ‘Nak saan ka na? ‘Nak? Hoy ‘nak anong drawer yang ginabuksan mo diyan – ‘Nak! Bakit mo gikasa yang baril ko – ‘nak! (pagsabog)
‘Nak!

Advertisements


Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s