GM (Gwapo Moves)

(Davao Filipino flash fic)

Pwede gud sana kita i-test. Kung i-text kita ng kunyari GM pero ikaw lang pala nakatanggap: ‘Friends, if you were forced to sleep with me, luodan kayo?’ Kung magreply ka may pag-asa ako as iyo.

Pero matalino ka, mahalata mo kaagad.

At kilala mo ko. Alam mo na alam ko matalino ka, alam mong alam ko mahalata mo. Alam mo na pag hindi ka magreply, malaman ko na hindi mo lang giignore yung GM, gidedma mo talaga ako. Hindi lang test ang text sa iyo, tanong na masagot ng oo kung magreply ka, hindi kung hindi. Mapilitan ka maging honest.

Pero ayoko din pilitin ka ng ganyan. Hindi fair sa iyo, kay kung hindian mo ako mapilitan kang maging suplada. Kung plano mo man ako hindian, may karapatan ka na maging mabait sa paghindi. Wala akong karapatan na ijustify yung sama ko ng loob sa pagpaniwala na gisupladahan mo ako, na ang totoo napilitan ka lang maging pranka.

(Ang hindi mo alam, alam ko na kiligin ka sa thoughtful na lalaki. Ishare ko ito sa iyo bilang hypothetical scenario. Magreklamo ako bakit katanga ng ibang lalaki, at mag-agree ka. Ka-thoughtful ko gud pala. Kasensitive pa sa mga between the lines na usapan. Hindi mo na mamalayan ako na dahan-dahan maging standard ng lalaki para sa iyo.)

Advertisements


Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s