Alfonso, Act III

(Below is the third act of my unfinished play “Alfonso.” The play revolves around the eponymous character, the contrite bastard of Don Fernando Jimenez, who is accepted by the loving family. Throughout the play Alfonso struggles to let go of his self hatred, only to find out a shocking misconception about his own origins. In this scene, some details are revealed about Alfonso’s elder half brother Carlos, their sister Isabel, Alfonso himself, and his best friend Sylvester.

This play — which I intended as a piece of closet drama — was the second attempt to write down an idea that dates back to my early 4th Year High School, an idea that is invariably one of my greatest creative discoveries. I first attempted to write it as a novel in high school, but I was still too young to handle the story’s sheer scale.  This rendition, written in late 3rd year college, shows my heavy influence from Oscar Wilde, with Sylvester clearly a Victorian dandy. There is a banter between Alfonso and Sylvester about the nature of love, liberation of absurdism, and Filipino language and culture, revealing my philosophies at the time of writing.

The text however invariably betrays my continued inadequacy as a writer, showing my tendency to moralize and my ineptness at verisimilitude. While much more mature then than when I first dealt with the material — what with my fellowship to the Ateneo de Davao Writers Workshop — the scale proved to be still too vast for me, and it was shelved. Today, as I am completing my graduate studies, I intend to give it a third try.

I am sharing it here raw, so I ask indulgence for the typographical errors.)

Ikatlong Akto

Tagpo: Sa estudyo ni Fernando sa Mansyon ng mga Jimenez, Amiya. Tatlong taon ang nakalipas. Sa may GITNANG KALIWA ay may eskritoryo, at sa bandang kaliwa nito may maayos na nakapatong na mga papeles. May upuan sa likod ng eskritoryo at mayroon din sa harap nito sa bandang kaliwa, ang nahuli nakaharap sa kanan. Sa may MALAYONG KALIWA ay may aparador na puno ng libro na nakaharap sa kanan. Ang tanging pasukan at labasan ay nasa KANAN.May halong ginto at kayumanggi ang dingding sa LIKOD. Hindi lalagpas ang nasabing tagpo sa unang backdrop.

(Nakaupo sa may eskritoryo si Alfonso, ngayo’y dalawampung taong gulang na. Abala itong nagsusulat)

(papasok si Carlos Ferrer-Jimenez, ngayo’y dalawampu’t isang gulang na, may dalang pulang supot na may mga lamang parihaba. Mamula mula ang kutis ng binata, ngunit mas maputla pa siya kaysa kay Silvia. Mas matangkad siya ng kaunti kay Sylvester. “Clean cut” ang may hati niyang buhok na kulay kape. Prominente ang ilong at katulad ng kay leonora ang kanyang mga mata. May pagkamaskulado ang kanyang mukha at pangangatawan, gaya ni Fernando. Medyo may pagkamatigas ang kilos at simple ang pananamit niya, at masasabing hindi napakintab ng maigi ang kanyang kinang. Ngunit bihasa naman siya ng lahat ng gagamitin niyang wika.)

 

Alfonso:             (titingin mula sa ginagawa) kuya, napadaan ka?

Carlos:               kagagaling ko lang ng SM (uupo sa upuan sa harap ng eskritoryo) may mga naibili akong libro para sa iyo. (iaabot ang dala. bubuntong hininga)

Alfonso:             Salamat. Oh, ba’t ka napa-buntong hininga? May problema ba?

Carlos:               (tatayo. Paparo’t parito sa may GITNA. Matapos ang sandaling pag-ikot-ikot) na-nabasa mo na ba ang “Angel Sanctuary” ni Kaori Yuki?

Alfonso:             ah, oo. Napahiram ako ni Silvia ng kopya. Na-depress ako sa kalagayan nina Setsuna at Sara (lilingon patungo sa kanya si Carlos) pero mas interesante yung character ni Lucifer.

Carlos:               na-nabanggit nga ni Silvia na nanghiram ka raw, pero kulang siya ng huling tankobon. Nandyan, nahanapan kita. Magpahiram ka rin sa kanya, ha? Eh yung-yung “Ada or Ardor” ni – ni Nabokov? Nabasa mo na?

Alfonso:             (titingnan ng maigi ang kuya. Ibababa ang hawak ng panulat) hindi pa, pero parang alam ko na ang problema…

Carlos:               (uupo) basta, nandyan din, nahanapan din kita. Eh yung-yung “Children of Hurin” sa Silmarillion? Nabasa mo?

Alfonso:             (mapapasandal sa upuan. Bubuntong hininga) mahirap ito… pa’ano mo naman na-realize?

Carlos:               mahabang kwento. (titingin sa KANAN. Tatayo at isasara ang pinto. Babalik sa upuan)siya lang ang nakikita ko, Alfonso! Nitong mga nagdaang araw, may mga naka-sex akong mga kalase

Alfonso:             talaga?

Carlos:               ewan ko ba sa mga babae ngayon, bigla na lang lumalapit. I mean, walang masama na ang babae ang gumawa ng unang hakbang, pero ang mag-alok ng sex sa hindi mo pa nga karelasyon! Pero ayun na nga, pumatol ako.

Alfonso:             magaganda naman ba yung mga pinatulan mo?

Carlos:               at ano naman ang kinalaman ng itsura dito?

Alfonso:             kung may naituro man sa akin si Sylvester, kuya, yun ay ang pagpapahalaga sa kagandahan sa totoo lang, matagal ko na iyong alam, napalalim lang ng pag-uusap namin ang pagkaunawa ko. Pero balik tayo sa iyo, magaganda naman ba?

Carlos:               oo. Sikat rin yung mga humamon sa akin. Pero wala na akong ibang nakita kundi siya! Habang ginagawa namin, ini-imagine ko na siya ang kasama ko! Sinubukan ko ring gumamit ng iilang bayarang babae, at ganun din ang nagyari: siy ang nakikita ko! Wala ngang naging silbi ang tanong mo kung maganda ba, dahil sa sandaling isipin ko siya, lahat nagiging maganda!

Alfonso:             teka, ika mo gumamit ka ng bayarang babae? Mga ilang beses?

Carlos:               mga apat o lima ba?

Alfonso:             mag-iingat ka ha at baka ka magkasakit. Teka, ba’t hindi ka naman naghingi sa akin ng pandagdag sa allowance? Nagkasya ba ang ipon mo?

Carlos:               oo, nagkasya, pero hindi ko nagalaw. Noong makakapick-up ako, ang pinakamababang presyong maiaalok, 700. Pero pagkatapos, ayaw naman akong singilin. Naisip in kita at ang hirap na pinagdadaanan mo sa pagtatrabaho-

Alfonso:             hindi naman

Carlos:               kaya hindi ko na lang binayaran.

Alfonso:             kahanga-hanga ka! Napapalibre ka sa bayarang babae! Pero balik tayo sa problema, sekswal lang ba ang nararamdaman mo?

Carlos:               sa totoo’y sa hindi sekswal na pagtingin nagsimula. Isang araw, natanto ko na lang na babae pala siya, at isang napakagandang babae. Wala pang sekswal noon, pero alam ko na na noon pa lang hindi na tama. Noon ngang una akong pumatol sa kaklase ko, doon na nagsimula. At alam mo ba kung ano ang nakababahala, Alfonso? Sa kabila nitong naghalong pagtingin at pagnanasa, hindi pa rin nawawala ang pagmamahal na pamilyar!

Alfonso:             malaking problema ‘to, kuya…

Carlos:               nahalata mo ba!?

Alfonso:             oo, pero hindi siya halata sa iba. Kailangan ng pinaghalong pagkamalapit at karanasan. Ako lang at may ganoon.

(maririnig ang mga tinig nina Sylvester at katulong na si Bea)

Sylvester (tinig):       I-announce mo nga ako.

Bea (tinig):         anuhin man yang anawns, kuya?

Sylvester (tinig):       pumasok ka lang, sabihin mo ang pangalan ko at papasok ako. Sige na-

(papasok si Bea. Tatayo ang dalawa)

Bea:                   si kuya Sylvester-

Sylvester (tinig):       (pabulong) kumpletuhin mo

Bea:                   si kuya Sylvester Ferrer-Bengzon

(papasok si Sylvester)

Sylvester:          (kay Bea) pwede ka nang lumabas.(lalabas si Bea) (bubuksan ang mga kamay sa dalawa) Good afternoon. (kay Carlos) Oh, bakit tila nababagabag ka kuya? Ganoon ba kahirap ang Med School?

Carlos:               magandang hapon, Sylvester. Oo, mahirap nga ang medisina. Mahirap na mahirap. (titingin kay Alfonso) sa totoo nga’y ang pinakamahirap ay ang Reproductive biology at geneology, lalo na pag pinagsabay. (haharap ulit kay Sylvester) kaya nga’t mag e-excuse muna ako sa inyo at mag-aaral muna ako. (kay Alfonso) Salamat, Alfonso.

Alfonso:             sige, kuya.

(lalabas si Carlos)

Sylvester:          ano kayang problema noon?

Alfonso:             (bubuntong hininga) love. (babalik sa upuan at uupo)

(uupo si Sylvester sa upuan sa harap. Titingnan niya ang isang papel sa mesa)

Sylvester:          Ano ba ‘tong ginagawa mo?

Alfonso:             (mula sa pagkaabala) ha? Ah, sinusuri ko lang ang listahan ng mga tindahang pagdi-deliveran ng sigarilyo. Sino-solve ko lang din ulit ang kita nitong buwan sa pinya, at pipirmahan na lang ang ilang status report ng mga fast-food outlets.Kanais-nais ang presensya mo, Sylvester, pero napakaabala ko ngayon kaya’t pasensya na kung hindi kita makakausap ng sandali.

Sylvester:          So ang kita ng mga Jimenez: ang pag-distribute ng sigarilyo sa Davao, ang pinyahan ni Lolo sa GenSan, shares sa development ng Abreeza at ang franchise ng fast food chains. Aba! Ikaw ata ang namamahala ng lahat, ah?

Alfonso:             hindi naman. Ang sigarilyo lang pinamahala sa akin ng buo, at minsa’y pati rin ang pinyahan. Medyo naparami lang ang trabaho ko ngayo’t nagpa-Manila sandali si papa.

Sylvester:          (may dadamputing isang papel) at ano naman ‘to?

Alfonso:             (titingin sa pintuan) nangangako ka bang wala kang pagsasabihan?

Sylvester:          hindi

Alfonso:             kung gayo’y mapagkakatiwalaan kita, dahil alam kong oo ang sasabihin mo kung talagang interesado ka, at sigurado akong hindi mo ipagkakalat ang hindi mo napaman pinagka-interesan.

Sylvester:          kilalang-kilala mo na ako! Pero ano nga ito?

Alfonso:             (lalapit ng kaunti kay Sylvester) nagla-last two ako. Financing lang ng ilang last-two sa mga apat o lima bang baryo sa labas ng Davao. Ako lang nagsimula. Gusto ko kasing bilhan si kuya Carlos ng Fortuner para sa graduation niya.

Sylvester:          ang sipag mo! Not to mention matalino: biruin mo’y pagkakakitaan ang hangal na kabusawan ng tao! Pero ang swerte ng mga kapatid mo sa iyo ha!

Alfonso:             (ibababa ulit ang hinahawakan) siya nga pala, ikaw? Ano’ng pinakukunan mo ng kita?

Sylvester:          ako? Ah, malakas din naman ang BZ Mall of Davao

Alfonso:             sa inyo ang BZ? Tatlong mall kaya yon!

Sylvester:          kay papa, in partnership tito Raul. Kinuha ang “BZ” sa “Bengzon-Zuñiga.” Magiging apat na at may tinatayo nanaman dito sa Toril. May sampung coffee shop rin si mama, lahat ako nagma-manage. Pero ang maganda sa cofee shop, ito na ang nagmamanage sa sarili, kailangan mo lang mapagkakatiwalaang employado at karismang walang ‘sing bagsik. Tumutulong rin ako sa resort ng mga Ferrer sa Samal. Ah, at minsan pumipirma rin ako ng mga papeles sa gomahan namin sa Marilog at tumatao rin sa lumang tindahan ni Lolo sa Oyangguren.

Alfonso:             hindi ko alam, yun ah! So di hamak na mas mayaman kayo sa amin?

Sylvester:          hindi. Masipag mag-invest si tito Fernando, dapat alam mo yan. Malaki ang share niyo sa stocks ng BZ Malls, sa Abreeza, at sa SM. Hindi ba’t ikaw rin ang bumili ng stocks sa development ng halos lahat ng pinapatayong subdibisyon sa Davao? At hindi rin mura ang shares ninyo sa kumpanya ni Kisan Lu, ha!

Alfonso:             kung sa bagay, hindi ko lang na-total ng lahat-lahat. Matingnan nga minsan sa bangko. Teka, may lupa kamo kayo sa Marilog?

Sylvester:          mga kalahati, gomahan, pero ilang hektarya rin ang nakatiwangwang. Bakit?

Alfonso:             at tumutulong ka sa resort sa Samal?

Sylvester:          oo, event organizer. Bakit nga?

Alfonso:             (matatahimik sandali) napansin ko kasi na nasa-Eden lang ang Nature Park ng Davao, at walang eco-tourism spot sa Marilog. Eh di hamak naman na mas maganda ang nahuli. Nakita mo iyong isla sa gitna ng sapa?

Sylvester:          oo!

Alfonso:             Tayo kaya tayo ng resort ba o nature theme park sa lupa niyo? May mga contact ako sa DOT na makakatulong

Sylvester:          (tatayo) magandang ideya! Ako magma-manage at magde-develop

Alfonso:             at ako bahala sa gasto. Liligawan natin si papa na mag-invest rin!

Sylvester:          magandang ideya ‘to! Pero teka, hindi ako nagpunta dito para makipag-usap tungkol sa negosyo!

Alfonso:             ibig sabihin, may pinunta ka dito? At eto ako’t nag-aakalang dumadalaw ka lang…

Sylvester:          kasali na yun, of course. Pero alam mo naman ang lipunan, hindi mo na lang pwede basta-basta sabihan ng “dadalawin ko lang muna” si ganito, lalo na kung pareho kayong lalaki! Hindi, pero nakahanap ako ng dahilan. Una, nabanggit na ba ni tita Leonora ang tungkol kay tito Antonio?

Alfonso:             tito Antonio? Walang nababanggit si tita Leonora.

Sylvester:          ang matatanda, talaga. Hindi na natuto. Bunsong kapatid nina mama at tita Leonora si tito Antonio. Nasa-Manila siya madalas, nagtuturo, pero uuwi siya ngayong darating na buwan. I tell you, Alfonso, kailangan mong makilala itong si tito. Wala na akong kilala na abogadong MD at PHD! Magpa-party siya sa lumang bahay ng mga Ferrer pag-uwi niya, kaya’t dapat ka talagang pumunta!

Alfonso:             tingin mo pupunta sina papa tita niyan?

Sylvester:          bakit naman hindi? Kapatid kaya ni tita ang nagpa-party!

Alfonso:             eh di sige, pupunta ako. Sasama ako sa kanila.

Sylvester:          mabuti naman! At ang isa ko pang layon dito.

Alfonso:             may dahilan ka pa?

Sylvester:          oo. Yun ay ang makilala ka pa ng lubus-lubusan.

Alfonso:             makilala ako? Sylvester, mula ng nagkakilala tayo, we have been inseparable. What else could you possibly wish to know about me?

Sylvester:          a lot of things, my good man. Oo, tama ka, we’ve been inseparable. Pero dahil nga doon, nabagabag ako.

Alfonso:             nabagabag?

Sylvester:          oh, the word has most serious connotations, it’s unlfattering. Bakit nga ba ang seryoso ng Filipino? Curious ang gusto kong gamitin, pero walang salitang tugma dito sa wika!

Alfonso:             eh di gamitin mo na lang ang salita.

Sylvester:          ayoko, baka maging-realistic tayo.

Alfonso:             oh, what nonsense! Pero magpatuloy ka nga, at na-distract mo nanaman ang usapan. Bakit ka kamo curious na makilala pa ako?

Sylvester:          kasi, sa madalas nating pagsasama, natanto kong ang alam ko tungkol sa iyo ay napaka-kaunti lamang. Aba’y, ang huli mong banggit sa nakaraan mo’y noon pang una tayong nagkita! And besides, you’re the talk of the town nowadays, and I do not want to let the oppurtunity of being an expert on someone go.

Alfonso:             oh, there’s really nothing much to learn.

Sylvester:          (titingnan ng may suspetsa si Alfonso) sigurado ka?

Alfonso:             oo nga. Ba’t ganyan ka makatingin?

Sylvester:          wala lang, pakiramdam ko lang kasi, may natatago pang bahagi ng nakaraan mo na nahihintay lang na matuklasan ko.

Alfonso:             don’t we all have something like that?

Sylvester:          I don’t. As far as the dramatic side of life is concerned, my past has been unbearably normal.

(babalik sa trabaho si Alfonso)

(lilingon-lingon sa kwarto)

Sylvester:          ngayon ko lang napuna ng masinsinan, pero Spanish pala ang motif na ginamit ni tita Leonora sa kwarto. In fact, the whole house has a Spanish motif! Kelan naman kaya  magkaka-Filipino motif sa mga subdibisyon, ano? (lilingon-lingon ulit) Mabuti’t pumayag ang Amiya na ganito. Di ba’t Thai ang motif ng subdibisyon?

Alfonso:             oo, pero since may-shares ang pamilya, hindi magalaw ng Kisan Lu ang mga Jimenez.

Sylvester:          oh, there you are again, refering to your own family as if it was something different! Gumamit ka nga ng “kami” o “namin”! Pero balik tayo sa Amiya, ang istrikto kaya ng guardhouse. Alam mo bang abot isang minuto ang pag-inspection nila sa mga sasakyang pumapasok?

Alfonso:             para lang yun sa kaligtasan ng mga pamilya sa subdibisyon, so that’s a relief for “us” to know.

Sylvester:          alam mo, suplado’t misteryoso ka pero you happen to have the most humourously sharp sarcasm I ever have known. Except for mine, of course. (may maiisip) Oo nga! Alfonso, sabihin mo nga sa akin.

Alfonso:             (nagulat) by God, ang ano!?

Sylvester:          napaka-higpit ng security sa Amiya. Pero naaalala ko na nabanggit ni tita Leonora na nakapasok ka raw. In fact, dinala ka raw ng guard! How did you do it?

Alfonso:             oh, it isn’t that big a story.

Sylvester:          ano nga ginawa mo?

Alfonso:             nag-English. With received pronunciation

Sylvester:          English, with received pronunciation!? (tatawa) at ano naman ang sinabi mo?

Alfonso:             (ibababa ang hinahawakan) well, una nag-Tagalog ako. “Dito po ba nakatira ang pamilya ni Fernando Jimenez?” ayon, binigyan agad ako ng atensyon dahil nag-Tagalog ako. Gusto mo gumawa ng aphorism on that?

Sylvester:          why yes, thank you. Ang tanda ng tagumpay ng Tagalog sa Pilipinas ay ang paggalang na pinakikita sa paggamit nito sa labas ngmga orihinal nitong lipunan.

Alfonso:             kaya naging pangalawang status symbol na wika ang Tagalog.

Sylvester:          pero balik tayo sa kinukwento mo.

Alfonso:             ayun, tinagalog din ako ng isang guard, habang nagtitinginan ang iba pa. “oo, dong, dito nakatira si sir Fernando” ang sabi noong guard. “May sadya ka?” Ayun, sinagot ko ng Ingles. “I must, at all costs, see his family. Might you escort me to them?” Napa-atras ang guard, at pina-ulit sa akin sa balikong Ingles, kaya sinagot ko “I said I must, at all costs, see the the Jimenez family, and that may you please escort me to them. Please do not make me repeat myself again.” Tumawa yung ibang guard sa likod, habang ang kausap ko, natameme. “Was there anything wrong with what I just said?” tanong ko sa mga nagtawanan, at ayun, natameme rin sila. “we’re very sorry for laughing sir, we just didn’t expecting you to looking like that.” Ang sabi ng kausap kong guard, at ewan ko kung anong naisip nila sa akin, pero ayun, dinala nga ako dito.

Sylvester:          (tatawa matapos matameme) what a sight you must have been! Ano kamo ang get-up mo noon?

Alfonso:             maluwang na T-shirt na hiningi lang ng nanay ko sa kapit bahay, shorts na suot ko mula pa noong grade 1 ako (and I was grade 6 then) at naka-paa. Maalikabok ako noo’t naglakad lang ako galing Kidapawan.

Sylvester:          in other words mukha ka nang manlilimos! I wish I saw that! (tatawa ulit) Pero sa too lang ano, nakakalungkot na ang xenophilia ng mga Pilipino. Hindi nakakatulong sa pagunlad ng kultura ng bansa. (lilingon-lingon) Nga pala, wala ka bang bell ba pantawag ng katulong?

Alfonso:             alam mo, dapat na talaga akong pumunta sa bahay ninyo, minsan. Talagang may bell ka sa bahay para pantawag ng katulong!?

Sylvester:          oo, it’s terribly convinient.

Alfonso:             siya nga pala, saan nga ulit kayo nakatira?

Sylvester:          sa Eden. (tatayo at tutungo sa pintuan. Bubuksan ang pintuan at ilalabas ang ulo) Bea!

Bea (tinig):         kuya?

Sylvester:          alika muna dito sa study ni tito Fernando (babalik sa upuan at may kukunin sa dalag bag.)

(papasok si Bea)

Sylvester:          (iaabot ang kinuhang teabag. Kay Alfonso) you will have tea with me, won’t you?

Alfonso:             of course.

Sylvester:          paki-lagay nito sa teapot, o malaking mug ba diyan, at palagyan ng tubig. Matalino kang babae kaya hindi ko na ipaliliwanag. May tinapay ba at Jam?

Bea:                   opo, yung strawberry ni ate Isabel.

Sylvester:          good. Paki-palamanan mo kami ng tinapay liberally, mga anim na sandwiches if you may. Sige.

Alfonso:             (sa papalabas na si Bea) ah, Bea?

Bea:                   kuya?

Alfonso:             (nahihiya) paki-lagyan lang ng kondensada ang tatlo please.

Sylvester:          Kondensada sa Jam and bread? What a delightful idea! Sige, Bea, lahatin mo na lang.

Bea:                   sige, kuya. (lalabas)

Sylvester:          (babalik sa upuan) kondensada sa jam and bread? How Filipino! You will be making afternoon tea a Filipino treat, my friend!

Alfonso:            hindi naman talaga ako mahilig sa tsaa. I never got used to British cuisine. By the way, nabanggit mo na hindi nakatutulong ang ibang kultura sa pag-unlad ng kulturang Filipino. You really are agreat man, my friend, for you contradict yourself gravely. Your a factory of wit, spewing out one quip aftwr another.

Sylvester:          why thank you. Nililinang ko lang nang wikang Filipino.

Alfonso:             nililinang?

Sylvester:          o. Kasi, pag may nakaririnig ng deretsong Ingles, “wow” ang masasambit ng madla, pero ang deretsong Filipino “oh” lang ang napapasabi, at madalas wala pang tandang padamdam! Sa pamamagitan ng mga matatalinong patutsada, ginagawa kong “sosyal” ang Filipino.

Alfonso:             May punto ka. Medyo amoy-lupa nga ang imahe ng Filipino ngayon. Pero hindi noon mababgo ang katotohanang tinutuligsa mo ang sarili mo.

Sylvester:          sinasadya ko yan, Alfonso! Wala nang mas nakaaaliw pa kaysa sa ang pag-munimuni sa kung gaano ka-kahanga-hanga ang mga pagkakamali mo. At ano naman ngayon ang natuligsa ko sa pagbanggit ko ng katatagan ng kulturan Filipino?

Alfonso:             ipinagtatanggol mo ito ngayon, pero noon ang tawag mo dito, “bastardong kultura.”

Sylvester:          mahusay na metapora, hindi ba?

Alfonso:             how vain!

Sylvester:          nobody ever is. Pero kung susuriin, hindi naman talaga nagtutuligsa ang dalawang panig. Oo, bastardong maituturing ang kulturang Filipino. Pero mapa-lehitimo man o bastardo ang anak, nararapat pa rin nitong kumawala sa mga magulang nito, at lalo na sa impluwensya ng barkada. May impluwensya ng ibang kultura ang haligi ng kulturang Filipino, ngunit hindi ito magiging kultura kung hindi nito gagawing sarili niyang pagmamay-ari niyaring mga impluwensya. Oh and speaking of bastards, nakilala mo na si Pilar?

Alfonso:             sinong Pilar?

Sylvester:          yung anak sa labas ng mga Zuñiga?

Alfonso:             why no. Hindi pa ako nakababalik sa bahay nila mula ng nagkakilala tayo! Tatlong taon rin pala. Madalas kami magkita ni Silvia sa mga mall, pero hindi ko pa nga nakikita ang kapatid niya.

Sylvester:          huwag mo nang hilinging makilala, sapat na si Silvia. In fact, maling ikumpara siya kay Silvia!

Alfonso:             is she that dreadful?

Sylvester:          hindi ko mahuli sa salita! (kasi nga, may differance, gaya ng pag-buyboy sa akin ni Silvia). At least isang beses ako dumalaw doon sa mga Zuñiga para kay Silvia, at biruin mo, iniisip ng lumpo siya ang dinadalaw ko! There certainly are limits to proper conceit! She ought to take a leaf from your book!

Alfonso:             I’ll try to do something.

Sylvester:          pero pag-usapan natin si Silvia. Nananabik akong pag-usapan si Silvia!

Alfonso:             nabanggit mo minsan na hindi ka naniniwala sa “love.” Huwag mong sabihing “in love” ka kay Silvia?

Sylvester:          oo! Aaminin ko, nasabi ko minsan na love is glorified sex, pero binabawi ko na iyon! Nakatagpo ako ng isang “masidhi’t di mawaring pagkahumaling” na higit pa sa desire!

Alfonso:             at papaano mo naman nalamang higt pa yan sa desire?

Sylvester:          simple lang: ang pinaka-ugat ng desire ay sekswalidad. Kung matapos mo “mantsahan” ng ganito ang bagay na kinahuhumalingan ay nariyan pa rin ang “sagradong” pagkahumaling, pag-ibig na!

Alfonso:             so ang iyong bagay ng pagkahumaling..?

Sylvester:          oo! Nabahiran ko na siya sa isipan ko! In fact, napinturahan ko na ang bubong ko ng puti sa pagbahid ko sa kanya! At sa unang beses, Alfonso, sa unang beses, pinagsisihan ko ang pagbahid!

Alfonso:             meron na nga talaga siguro.

Sylvester:          nakapagtataka ka, ha.

Alfonso:             ha? Bakit?

Sylvester:          noon, tinuligsa mo ang konspeto ng pag-ibig kasama ko. Ngayon sumasang-ayon ka na! Sabihin mo, nakaramdam ka na ng ganito noon, ano?

Alfonso:             (magdadalawang-isip) mahabang kwento…

Sylvester:          marami akong oras at mas mahaba ang pasensya ko.

Alfonso:             (bubuntong hininga) sige na nga. Medyo private din naman yung ibinahagi mo sa akin, eh.

(bubukas ang unang backdrop para ipakita ang unang tagpo sa taas: sa isang silid-aralan sa Pilot Elementary School. May mga maraming upuan na nakatalikod sa manonood. Sa may bandang KALIWA, sa likod ng nabubuong tormentor ng binuksang unang backdrop ang labasan at pasukan.  Habang nagsasalita si Alfonso, nagwawalis ang batang si Alfonso sa may KALIWA ng tagpo sa taas.)

 (Lalapit siya sa may KANANG tormentor, kung saan may bulletin board. Habang nakatingin sa bulletin board, magiging mapang-uyam ang kanyang mukha)

(papasok si Claudine Ilagan. Mas maigsi ng kaunti si Claudine sa batang si Alfonso. Maputla at makinis ang kutis nito. Kulay lupa at tuwid ang buhok nitong umaabot sa dibdib. May sosyal na karingalan ang bawat kilos nito. Mapapalingon ang batang Alfonso sa pagpasok nito at mapapatitig. Mamemewang si Claudine at may sasabihin. Sasagot naman si Alfonso ng hindi nawawala ang titig, pero matapos ay biglang yuyuko .Ngunit lalapitan siya ni Claudine at iaalok sa kanya ang kamay ng nakangiti. Namamanghang kamayan ng batang Alfonso si Claudine. Telon)

 

Alfonso:             kung naaalala mo, nasabi kong nagtrabaho ako bilang utusang tagalinis sa Kidapawan Pilot Elementary School matapos maging bed-ridden ang nanay ko. (bubuntong hininga) Ngayon ko lang babanggitin ‘to sa ibang tao, ha, pero may elemento ng pagka-masokista ang pagpasok ko sa trabahong iyon. Noon pa man, mababa na ang tingin ko sa sarili ko: marumi ang kulay ng kutis ko, pango ang ilong ko, sa kabuuan pangit ako. Minalas din akong isinilang ng may opinyon sa isang mundong bawal kumontra sa kabuuang Kamalayan, kaya’t ayon, hindi rin ako naging matagumpay sa academic at extra-curricular activities, thoughIi am sure you can attest to my competence in those endeavors. Ayun na nga: pangit at maliit lang na nilalang sa lipunan, nararapat lamang na maging isang taga-bunot ng damo at taga-walis ng kalat ng mga mas mataas sa akin.

 

Alfonso:             pero minsa’y nakalilumutan ko ang prinsipyo ko at nananaig pa rin ang opinyon. Isang araw, nagwawalis ako sa isang silid ng SpEd. Dahil nga pinakamatatalino raw ng paaralan ang mga nasa SpEd, inasahan kong may laman ang mga pinagsusulat nila. Habang nagwawalis ay napatingin ako sa bulletin board nila, at doon ka nakita ang “essay of the week” ng klase, isinulat ng isang Claudine Ilagan. Binasa ko: tungkol sa premarital sex. Hulaan mo ang laman.

Sylvester:          na “masama ang premarital sex dahil labag ito sa utos ng Diyos?”

Alfonso:             “at ang ibig sabihin ng utos ng Diyos ay kabutihan.” Oo, ganoon. Kunwari’y pinalawak niya ang kahulugan ng isang opinyon ng madla. Ayun, hindi ko napigilan ang sarili ko sa pagbasa at napataas ang kilay ko.

Alfonso:             isipin mo ‘to ha. Habang nakataas ang kilay ko’t ang pangit na ng ekspresyon ko, biglang may dumating na estudyante sa may pinto. Ayun, nakita ko ang pinakamagandang babae na nakita ng mga mata ko. Ng sandaling iyon, habang nanigas ako sa pagkamangha, naniwala ako sa kasinungalingang sa paglamon ko sa kagandahan niya’y naging magandang nilalang rin ako. Kaya’t bago ko pa mabago ang ekspresyon ko, napuna na niya na hindi ko nagustuhan essay. Nagpumilit siyang sabihin ko ang opinyon ko, at ayun, dahil nga nalinlang ko ang sarili ko, sinabi ko sa kanya ang opinyon ko. Nang masabi ko iyon, saka ko pa na-realize na maaaring ito ang manunulat, kaya’t napakagat ako sa labi ko sa kaba. Ngunit halos masiraan ako ng bait ng ngumiti siya’y lapitan ako! Inalok niya ang kamay niya at nagpakilala bilang Claudine Ilagan. Ayun, nagpakilala rin naman ako. Hanggang ngayon naaalala ko pa rin kung gaano kalambot ang kamay niya..! (bubuntong hininga)

(bubukas ang unang backdrop para ipakita ang pangalawang tagpo sa taas: sa isang di matukoy na lugar. Pawang may mauupang pasimano lamang na nakahiris pataas mula sa KALIWA papunta sa GITNA. )

(nakaupo sina Alfonso at Claudine sa pasimano at nag-uusap.)

(Aktong kukundoktor ng musika si Claudine. Mula sa galaw ng kamay niya ay aakto siyang tutugotog ng byolin. Dahan-dahan ay mas-sisidhi ang kilos niya at mapapatayo siya, kung kailan mapapaikot at maninigas ng may mala-ballet na postura. Sa kabuuan ng eksena, hindi mawawala ang tingin ni Alfonso sa kanya. Matapos manigas si Claudine, Telon)

Alfonso:             naging malapit kami matapos noon. Tuwing may bakanteng oras ako at wala siyang klase, pumupunta ako sa may SpEd at minsa’y naglalakad-lakad kami sa mga sulok-sulok ng Pilot. The more I knew her, the more she facinated me. Sa kanya ko una narinig ang French, at noon ko unang nasilayan ang liwanag ng kasosyalan. Matalino rin siya, at siya ang unang personal kong nakilala na nagbabasa ng libro. Mahusay rin siya sa musika, at nabanggit niyang nagtutugtog siya ng byolin. Hindi pa nga ako nakakita ng byolin noon, kaya’t pinangako nyang tutugtugan niya ako balang araw. Makuntento na lang daw muna ako sa paghuni niya habang aktong tumutugtog. Wala namang problema sa akin yun, dahil siya naman talaga ang kinahiligan ko at hindi ang musika. She was perfect, and she was part of my life. She was my life…

(bubukas ang unang backdrop para ipakita ang pangatlong tagpo sa taas: sa kwarto ng batang Alfonso sa isang bahaay sa Sandawa Phase 3. May isang kawayang kama sa GITNA. May isang aparador na nakaharap sa KALIWA sa KANAN)

(may hawak na panyo si Alfonso habang nakaupo sa kama. Hahalik-halikan niya ito, at ang paghalik niya’y dahan-dahang sisidhi ang kilos. Akto niyang huhubarin ang suot niyang t-shirt. Ngunit mapapatigil siya. Titingnan niya ang kanyang mga kamay at mapapaluhod siya, nanginginig at tinatabunan ng mga kamay ang mukha. Telon)

Alfonso:             oo, siya nga ang naging buhay ko. Dati, walang halaga ang buhay ko sa akin. Pero noong nakilala ko siya, nalimutan ko lahat ng kasiraan ko at pawang ang kagandahan niya na lang naging katotohanan. Maganda ang buhay dahil nariyan siya. Pero muli rin akong namulat sa mababa kong antas sa buhay ng sinubukan kong isali ang sarili ko sa pag-humaling sa kagandahan niya. Inisip kong isa-kilos ang kasidhiang namumuo sa loob ko, at sa sandaling isipin ko ito, napawi ang lahat ng kasidhian. Nandiri ako sa sarili ko, nandiri ng higit pa sa pandidiri ko noon. I was just 12, at noon ko nalaman ang tunay na kahulugan ng kasalanan.

Sylvester:          nauunawaan nga natin ang isa’t isa!

Alfonso:             oo, ganoon rin siguro ang naramdaman mo. Ang kagandahan ang pinagmumulan ng kabutihan, at ang pagbahid nito ng kapangitan ang ugat ng kasamaan. Siya ang kagandahan, at namantsahan ako ng kapangitan, kaya’t maging ang naisin siya ay kasalanan. Pawang ang pagnais lamang sa kanyang pagiging ang pwede kong gawin. Ayun, nabalik ang mababa kong tingin sa sarili sa sandaling iyon. (matatahimik)

(bubukas ang unang backdrop para ipakita ang pang-apat na tagpo sa taas: sa isang bahagi ng Pilot Elementary School. May lababong may gripo sa bandang taas KALIWA. Sa taas nito ay may bintana, kung saan masisilayan ang iilang mga nakapaskil na kasabihan gaya ng “God is Love.”)

(habang katabi ng mahuhuli si Claudine, mahiyaing kakamayan ni Alfonso si Roy Castañeda. Kasing tangkad lang ng batang si Alfonso si Roy, at kasing puti ito ni Claudine. Maitim at makapal ang buhok niyang naka-gel at tusok-tusok. May walang kibong kayabangan siyang hindi maikakaila ang dating. Matapos kumamay ay lalabas ang lahat sa KANAN.)

Alfonso:             Ah! Kung iisipin nga… Ah!

Sylvester:          ano yon?

Alfonso:             naalala ko lang na sadyang napakalaki ko pa lang hangal noon! Isang sabado kasi, niyaya niya ako na manood sa ilang kaibigan niyang maglalaro ng soccer sa field ng Pilot. Sumama naman ako. Pinakilala niya sa akin ang mga kaibigang maglalaro. Ang pinaka-hindi ko makalilimutan, iyong pinakilala niyang Roy Castañeda. Palakaibigan at hindi naman suplado, pero may pagkamahangin ang ugali. Halatang mayaman din. Hinding hindi ko makalilimutan na kumulo ang dugo ko ng makita kong nakaakbay sa kanya si Claudine habang nagkakamayan kami.

(Sadyang mababakante ang taas na tagpo.)

Alfonso:             Habang naglaro nga ang mga kaibigan, nanood kami ni Claudine sa may tabi ng field. Tapos, minsa’y namali ng sipa ni Castañeda ang bola, at tumungo ang bola kay Claudine. (hahagurin ang ilong) Hindi ko napigilan ang sarili ko’t sinagangan ko siya. Natamaan ako sa mukha. Matapos tumayo ay agad akong lumapit sa kanya upang tingnan kung napano siya, at sumunod naman ang lahat. Inakay siya ni Castañeda.

(papasok si Alfonso, tinatabunan ang mukha ng kamay. Huhugasan niya ang duguan niyang mukha sa gripo. Habang naghuhugas siya, papasok mula sa KANAN sina Claudine, Roy at iba pang estudyanteng kanina’y kasama nila ng hindi napapansin si Alfonso at lalabas sa KALIWA. Pag-tingin ni Alfonso, walang tao. Lalabas siya sa KALIWA. Telon)

Alfonso:             Napansin ko na medyo mainit ang ilong ko, at paghawak ko’y dumudugo na pala. Kaya’t tahimik akong umalis sa eksena upang maghugas ng mukha. Pagkatapos ko maghugas, wala ng tao. (bubntong hininga) dapat pala, noon pa lang, ginawa ko nang prinsipyo ang kawalang halaga ko… Pero pawan ang inisip ko lang, pasasalamat. Pasasalamat na hindi na nasira ang pagkaperpekto niya.

(bubukas ang unang backdrop para ipakita ang panglimang tagpo sa taas: sa dalawang silid sa Pilot Elementary School. Hati ang tagpo sa dalawa. Sa kanang hati, pawang isang telong pink na may wangis ng pinutan lamang at asul na border na may wangis ng bubong ang makikita. Sa kaliwang hati, may mga upuang nakaharap sa KALIWA habang may basurahan sa gitna, sa may tabi ng humahating dingding)

(nagwawalis si Alfonso sa kaliwang hati, malapit sa basurahan, ngunit nakatalikod siya sa basurahan)

Alfonso:             kaya’t ayon, sandali’y napagsabay ko ang mababa kong tingin sa sarili at ang pagkahumaling sa kanya. Bahagi siya ng buhay ko, ngunit nananatiling hindi ako bahagi ng buhay niya. Pero maging iyon, maging iyon, nawala sa akin. Isang araw, naglilinis ako sa isang silid. Hapon na yon, at tahimik na ang paaralan.

(papasok sina Roy at Claudine mula sa KANAN at tahimik na maglalandian sa harap ng pink na telon. Papasok sila sa likod nito)

(maririnig ang unti-unting sumisdhing ungol ng dalawa, at dahan dahang mapupuna ni Alfonso. Muntik siyang madadausdos at mabibitawan niya ang walis. Tatakbo siya palabas sa KALIWA.)

Alfonso:             Habang naglilinis nga ay may narinig kong bigla ang malakas na bulungan nila ni Roy Castañeda. Hindi ko marinig ang sinasabi ng bulungan, pero nawari ko ang pinag-uusapan nila ng marinig ko ang isang bagay: ang mahinang ungol ni Claudine. Maya-maya’y nasabayan na ito ng malalim na ungol ni Castañeda. Nanigas ako sa kinatayuan ko habang naririnig ko yon. The fact na bahagi siya, kabuuan siya ng buhay ko’y kumulo ng parang tunaw na bakal sa kaloob-looban ko. Parang biglang naging baga ang laman-loob ko na nais wasakin ang kabuuan ko mula sa loob. Hindi ko nakaya, napatakbo ako pauwi. (Telon sa taas)

Alfonso:             Sinumpa ko ang pagkalalang ko. paulit-ulit kong sinabi sa sarili ko na basura ako. (bubuntong hininga) sa totoo lang, hindi ko maunawaan ang naramdaman ko noon. Sa sandaling iyon na narinig ko ang pagnanasa ni Caludine, nawala ang pagkakaiba ng karumiha’t kadalisayan, at pawang sidhi lang ang natira. Nasuklam ba ako sa pagdungis niya sa sarili niyang pagkaperpekto o nasuklam ba ako sa sarili pagkakita ko sa isang antas ng kagandahang higit pa sa kaya harayain ng kabuuan ko? Ewan ko, pero noong sandaling iyon, sigurado, nadurog ako sa puot. Puot na napuno sa sarili ko, ngunit labis-labis pa rin, kaya’t kinailangang may matatalsikan. (titingnan si Sylvester) mapagkakatiwalaan naman siguro kita, hindi ba?

Sylvester:          nailahad mo na ang kabuuan mo. Oo, mapagkakatiwalaan mo na ako.

(bubukas ang unang backdrop para ipakita ang panghuling tagpo sa taas: sa kwarto ni Teresa. May isang kama sa KALIWA na may pundang hindi aabot asa sahig habang may upuan sa GITNA.)

(habang nakaupo si Alfonso sa upuan, natutulog si Teresa -Magat. Ang kutis niya ay kayumanggi at makinis ngunit mas marami nang kulubot kay Leonora sa wakas ng dula.. Alon-alon at hindi kulot ngunit magulo at tuyo na ang buhok niya. May kapayatan siya. Pango ang ilong niya, ngunit hindi ito malapad. Makikipot at banayag ang mga labi niya. Walang buhay at diwa ang mga mata niya. Pinandidilatan siya ng marahas ni Alfonso)

Alfonso:             ayun nga, sa labis-labis kong puot, umapaw ito palabas sa akin at kinailangan kong ibuhos ito sa iba. At sino ba ang pinakamalapit na masisisi sa kasalanan ng pagkalalang mo? Hindi ba’t ang iyong magulang?

(lalabas sandali si Alfonso sa KANAN at babalik ng pasok, may dalang mga tali. Tatalian niya si Teresa sa paa’t kamay sa kama. )

(magigising si Teresa, ngunit bago siya makakilos, kukuha ng unan si Alfonso at tatabunan niya ang mukha nito ng naturang unan.)

 

Alfonso:             Kaya’t mula sa pagkamuhi ko sa sarili, natuon ang puot ko kay Teresa. Pag-uwi ko, nakahilata pa rin siya sa kama, tulog. Hindi ko napigilin ang sarili ko… (ihaharap ang dalawang palad sa manonood. Mahinang ididiin paharap, aktong ginagaya ang ginagawa ng batang Alfonso)

 (nang tumigil na ng kilos si Teresa, mapapasalumpak si Alfonso sa sahig. Habang nakaluhod ay may mapupuna siya sa ilalim ng kama. Kukunin niya: isang kahon. Bubuksan niya at kukuha ng ilang papel at sobre mula sa loob. Sa projector ay ipapakita, sa ganitong pagkakasunod-sunod, ang mga liham na ito: )

Alfonso:             nang tumigil na siya ng kilos, napasalumpak ako sa sahig. May napansin ako sa ilalim ng kama niya: isang kahon. Doon ko nakita ang mga liham nila ni papa na isa lang ang sinasabi: nagkaroon sila ng relasyon at ako ang naging bunga ng pangangalunya nila. Noon ko natanto, Sylvester, na hindi lang pala ako basura, ako’y kasalanan. Hindi isang walang silbing pagkakamali, ngunit isang pagkakamaling nakasira ng pamilya. Bago ko kunin ang buhay ko, dapat ko muna ituwid ang pagkakamaling naidulot ng pagkalalang ko.

 (titingin sa manonood si Alfonso. Titingin niya ang mga kamay niya. Ng hindi kumukurap, tatayo siya at tatanggalin ang isang tali mulas a kamay ng bangkay ni Leonora. Itutulak niya pasalumpak sa sahig ang bangkay at ipupulupot niya ang tali sa leeg nito at sa isang paa ng kama. Bago niya hihigpitan ang pagkakapulupot, telon)

 

 (papasok si Bea, dala ang isang tray na may mga sandwich, dalawang tasa at isang teapot. Ilalatag niya ang mga ito sa eskritoryo. Bubuhusan ng tsaa ni Bea ang dalawang tasa at iaalok ang mga ito sa dalawa. Matapos ay lalabas siya)

Alfonso:             (inaamoy ang tsaang natanggap, nakatitig sa kawalan) ang bango..!

Sylvester:          Earl Grey Tea ‘to. Paborito ko. (ilalapit ang tasa niya sa pinakamalapit na manonood) hindi ba’t ang bango ng Earl Grey? (iinom kasabay ni Alfonso)

Alfonso:             ang sarap din. Bagay sa tinapay. (kukuha ng tinapay at kakagat. Iinom ulit ng tsaa.) pasensya na sa nakakabagot na kwento. Hindi tuloy bagay sa tsaa.

Sylvester:          on the contrary. Malakas ang katauhan ng Earl Grey. Masayahin siyang tsaa, kaya’t lahat ng usapang sinasabay sa pag-inom sa kanya, gumagaan. Pinili ko ito particularly for this purpose.

Alfonso:             so you predicted magtatapat ako ng malagim na kwento?

Sylvester:          tragic, but not exactly a confession of murder, which you just did. Akala ko nga, papangit ang effect at baka maging awkward, pero hindi. It turned out na bumagay rin ang pagkaseryoso at kabuuang pathos ng kwento mo sa masidhing tsaang ito (iinom). At isa pa, bagay na bagay ang paggunita sa nakaraang pagdurusa sa pag-inom ng sosyal na tsaa gaya nitong Earl Grey sa comfort ng kayamanan. Mas sumasarap ang comfort pag-inaalala ang pighati (kukulog sa labas). Of course, it is best na nasa nakaraan  na ang pighati. (kakagat ng tinapay) bagay nga sa tinapay!

Alfonso:             aren’t you even disquieted na malamang nakapatay ako?

Sylvester:          I’m an absurdist. Only the Absurd disquiets me. Pero sagutin mo ang tanong: nasa nakaraan na ba ang puot mo?

Alfonso:             nakalimutan ko na ba? Yes and no, marahil. Nananatili pa rin ang mababa kong tingin sa sarili ko, lalo na tuwing nawawari kong ang pangit ko kung ikukumpara sa inyo ni Silvia. At hindi ko rin magagawang kalimutan na anak pa rin ako sa labas, kahit na tanggapin pa ng pamilya ang pagpasok ko. pagkakamali pa rin ako. Tingnan mo ‘to (may dudukutin sa polo: isang maliit na bote na nakakabit sa ikinwintas na kadena)

Sylvester:          Cyanide?

Alfonso:             oo.

Sylvester:          what a strange pendant for a necklace.

Alfonso:             (tatawa) you are just amazing with your calm, Sylvester! Pero dahil na rin siguro sa inyo ni tita Leonora, at dito sa trabaho, unti unti nang nawawala ang puot ko. nakakalimutan ko na ito kakaisip ko tungkol sa pagpapasalamat kay tita Leonora. And of course, malaki ang naitulong ng pagpapakilala mo sa akin ng pilosopiya ng Absurdism. Pinatatanto mo sa akin that everything, even suffering, is delightfully pointless.

Sylvester:          ganoon nga! It is a most excellent thing that nothing, absolutely nothing matters. Kug ganito ka mag-isip, wala kang seseryosohing partikular na aspeto at makikita mo ang kabuuan ng buhay. Matalino ka, at malalim mag-isip, kaya’t alam ko na ang isang absurdist na dandy lang na tulad ko ang makagagamot sa sakit mo.

Alfonso:             dandy, huh? Anong sakit ko?

Sylvester:          ang pagiging seryoso. Ito ang pinaka-delikado at pinakamahirap gamuting sakit sa kasaysayan ng pag-iisip.

(papasok si Carlos, nababagabag)

Sylvester:          ah, kuya! Alika, mag-tsaa ka muna. Bagay na bagay ang Earl Grey sa pauso ni Alfonsong jam and bread na may Kondensada!

Carlos:               no, thank you Sylvester. (Kay Alfonso) nakapagdesisyon na ako kung anong dapat kong gawin, Alfonso: lilipat muna ako doon sa Condo natinsa Abreeza.

Sylvester:          good heavens! Ganoon ba kahirap ang reproductive biology at geneology na kailangan mo pang lumipat ng tirahan!

Carlos:               oo, Sylvester. Particularly the geneology, which poses – complications.

Alfonso:             (bubuntong hininga) pero-

Carlos:               basta, nakapag-desisyon na ako. Hindi ko na kaya.

Alfonso:             kaya nga-

Carlos:               nakapag impake na ako at aalis na ako. Paki-sabihan na lang sina mama, please. Pasensya na sa abala. Salamat. (lalabas)

Alfonso:             (bubuntong hininga) this is a bad idea. (iinom ng tsaa)

Sylvester:          (iinom rin ng tsaa) well, kung meron mang iibig-that is to say kagaya ng pagtingin na naramdaman mo doon kay Claudine Ilagan, at na nararamdaman ko kay Silvia- well, kung meron mang iibig kay Isabel, i say, si Carlos yun. Sa tagal nilang magkasama, sapat na ang pagbahid niya kay Isabel na napaka-dalisay na noon sa kanya!

Alfonso:             (muntik mabulunan) pa’no mo nalaman!?

Sylvester:          (ituturo ang mga libro sa ibabaw ng mga papeles) madali langbasahin ang mga allusion ni kuya: what else would Yuki and Nabokov have in common? (iinom ulit ng tsaa) Kung the feeling is mutual, di ko pa alam. Mahirap basahin angmga babae, lalo na kung kasing tactful ni Isabel. pero isang bagay ang sigurado: makakaabala nanaman ang seryosong kababawan ng mundo sa pagsimula ng isang malalim na kaharutan. (iinom ng tsaa)

Telon

Advertisements


Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s