Boni

(This one act play, written in Davao Tagalog, was submitted to the Ateneo de Davao’s Banaag Diwa, but was prudently, albeit conservatively, ignored by the editorial board. It was written after the then President of the student body, Aldwin Dumago, resigned from office following negative reactions to his decision to release a memo condemning homophobic acts of bullying from students of the College of Engineering and Architecture and the systematic negligence of its division student council. Apparently the Engineering students at the time “felt offended at the condemning generalization” of the memo, a reaction I found abhorrent considering how an Engineering student had killed himself the previous year after being bullied for his effeminacy. People have died because of bullying, and all they cared about was that they were offended. A school of Excellence indeed!)

Boni

Isang Eksperimento sa Damdamin sa loob ng isang yugto

Mga Tauhan

John Paul “JP” Pecas: bakla, 3rd year Management Accounting, orange ang naka-gel na buhok, may pimples, este freckles

ANGEL de Guzman: magandang babae, 3rd year MassCom, pwedeng model ng cosmetics. Uyab ni CJ at BFF ni JP.

CJ Pascual: lalaki, 3rd Year Industrial Engineering, hanggang tenga ang buhok. DoTA Boy na uyab ni ANGEL.

EVAN David: 3rd year Industrial Engineering din, may konting balbas at may katabaan. DoTA/kanto Boy.

RICHARD Durano: 3rd year Industrial Engineering na Treasurer ng EASEC. Heartrob student-leader

GERALD: Atenews EIC, matangkad at nakasalamin. Madalas na in-text citation ng mga tsismosa. Hindi siya lalabas sa kalakhang bahaggi ng Akto.

Diday: SAMAHAN Treasurer at Management Accounting din, babanggitin lamang siya sa Akto.

at si Bonifacio “Boni” Lutangan: hindi din siya makikita sa Akto.

Kabuuang tagpo: sa Mundo ng Ateneo de Davao University, sa kasalukuyang panaho’t kamalayan. Maggagabi.

Magaganap ang kabuuan ng babasahing dula sa loob ng isang araw, ngunit bukod nga sa unity of time at Catharsis, sasakalin ni Aristotle ang manunulat ng dulang ito.

Akto

Tagpo: sa Biko di Cafe, malapit sa Ateneo de Davao University, Jacinto Campus. May mga uphosltered na upuan na may coffee table sa gitna.

Nakaupo sina JP at ANGEL sa upuang nasa pinakagitna. May mga order na sila, at ang mga aklat at na-photocopy nilang hand-outs ay nasa coffee table na rin.

JP:         katagal lagi ng uyab mo, girl?

ANGEL:       Ewan gani girl kung naano yun. Nag-DoTA pa siguro.

Papasok sina CJ at EVAN.

JP:         (habang hinahalikan ni CJ si ANGEL. Ala Kris Aquino) hello there! Ba’t ang tagal mo, CJ?

CJ:        (bebeso-beso sa bakla at uupo) oy, Jayps, ‘musta? Wala pa ang Richard?

JP:         ikaw lang jud ang nagatawag sa akin ng ‘Jayps’ ba! Angel, baka ma-arbor ko ‘tong uyab mo!

CJ:        buyag, Jayps. (tatawa) Oh right, si David pala.

JP:         (ala Kris Aquino ulit) hello there!Kilala na man kami niyan ni Evan, uy.

EVAN:    (kay JP) bayot ka lang gihapon, Pecas?

JP:         bakit, magpa-chupa ka? (tatawa ang lahat)

CJ:        uy ingat ka Jayps, mahirap kalaban si Diday!

JP:         (werla-mode) Juskems! Bakit hindi mo gisabi agad, dear!? (lilingon-lingon) Mahirap na madasmagan ng SAMAHAN Treasurer! (tatawa. Kay EVAN) kayo pala ni mother Diday, ‘Van..!?

EVAN:    Oy p*ta, e! (tatawa)Pareha lang kami ng High school ni Diday, uy. Ewan gani bakit dito lang kami naging close sa Atenyu nga nung HS, wala man kami masyado nagausap.

CJ:        baka true love na yan bay.

EVAN:    (maharot na babatukan si CJ) gago! (tatawa)

JP:         pero gahot talaga yang si mother Diday sa MA, ba. Yung mga hand-out niya, minamarkeran niya yan ng bonggang-bongga! (titngnan niya ang makapal na libro sa coffee table) pa’no niya kaya nake-carry yun na grabe ka nakakalurkey ang MA..! kayo, boys, kumusta man ang Engineering?

CJ:        ay grabe, it’s hard gud masyado! Halos everyday na lang gud kami nagaquiz. Bukas o, may quiz na naman kami sa ME..!

EVAN:    minsan na lang gud ako maka-DoTA nito! Tapos may quizz pa gud din tayo sa Math, di ba?

CJ:        Aw, tama! F*ck this!

EVAN:    (titingnan ng masama si CJ) Pag-sure, kahit man walang quiz, hindi ka naman din ga-DoTA masyado. Dun sa NetEck, ginalibak ka na gud ng mga guys kay uyab ka na lang ng uyab, wala na’ng laro-laro. (kay ANGEL) ano man gigawa mo dito, ‘Gel nga grabe man ka-dedicated sa iyo!

JP:         ANGEL, mangkukulam ka! (tatawa) Pero in fairness, ha, hindi ka gipagpalit sa DoTA nito! Good boy ang nakuha mong BF, day!

ANGEL: oo nga! (hahalikan si CJ. Titili ang bakla)

CJ:        pero bitaw, kahirap na gud ng course namin, ay. I wanna shout or something!

ANGEL: relax babe (hahalikan ulit ang uyab, at muling titili ang bakla) buti nga kayo hindi kayo nagagasto masyado

CJ:        bakit? Kumusta man ang MassCom?

ANGEL: grabe! As in kadami gud ng requirements, grabe na ang gasto namin. Video editing here, photo editing there. Third year is gasto year talaga! Magsabay pa talaga ang Laws na kadaming case study na basahin. And let’s not talk about Philo!

JP:         My gosh yang Philo na yan! Ay, tama pala, girl (lalapit. Halos pabulong) classmate kayo nung si Boni di ba?

ANGEL:  (sisimangot at magro-roll ang eyes) I know, right..!

CJ at EVAN: yawa, si Boni!

JP:         (talk show host mode) welcome to the official libak-session sa pinaka-baduy, pinaka-damak, pinaka-chaka and definitely ang pinaka-lain, as in lain to the power of 10, na freak sa balat ng Atenyu: si Bonifiacio “Boni” Lutangan!

(palakpakan)

ANGEL: ay at least may kalingawan na din tayo in this laag! Pero wala gud ako masyado alam about that kuan, girl. Konting BG please.

JP: i       info-dump na ito, girl! (tatawavery well. Galing sa then-College of Nursing itong si Bonifacio, na gi-anggaan ng mga classmates niyang Engineering sa isang English class ng “Boni:” mas bagay daw sa kabayot niya. Pero juskems! Ka-cute sana ng name, ka-maot naman ng may-ari! (tatawa) Pero nahirapan man yan siya sa Nursing, friends, so, with a “hindi na kasi college ang nursing” frak, nagtawid ang Boni sa MassCom ng bonggang bongga! Oh di ba!? Pero kahit saan man siya magtawid, madami pa rin ayaw sa kanya! And why not? Hindi lang FC ang freak, friends, feeling bright at trying hard pa talaga!

EVAN:    -sa labas. Pero kung ano sa loob yung bayutang yun, si Richard lang na roommate ang makasabi. Asan na bitaw yun?

CJ:        ‘Van, ha, nakahalata na ako! Makuntento ka na lang gud kay Diday! Kaya pala bitter ka masyado kay Boni, ha…

EVAN:    (babatukan ulit si CJ) yawa! (tatawa)

JP:         … basta, ganun si Boni: FC, trying hard, chaka! Feeling bright pa talaga, di ba girl?

ANGEL: tama! Uber-feeler masyado yan siya sa Philo namin girl ba! Mag-explode na gud ang ugat sa temple ni sir Tamacruz sa ka-irita kay sige lagi salita, puro naman nonsense!

JP:         I know, right!? Kalurkey din masyado yan siya nung nag English 11 kami kay sige recite nga ka-chaka man ng English niya! (tatawa) but anyway, para maayos itong ating bonggang-bonggang libak-session ‘no, isa-isa nating ide-describe kung gaano ka-lain yang si Boni, one aspect at a time. So, sino ang carry magstart?

EVAN:    a-

JP:         ay, maka-vomit talaga ako sa face niya, guys! Aside gud sa “Boni,” madami pa yang tawag sa kanya ang mga classmates niya. “Igor” ang gitawag sa kanya noon ng mga MassCom kay hukot-hukot lagi, parang kuba. Ang mga kasama niya noon sa Nursing, “Janitor” naman kay kapangit daw ng lips.

ANGEL: uber-pangit talaga! Siguro kung nag-ulan si Lord ng kapangit, gitapat siya ng nanay niya sa gutter! (tatawa ang lahat)

JP:         kalurkey ka girl! Bitaw, and to cap it off, bulbolon pa jud ang hair niya. At ngayon na MassCom na siya, ayaw na ipagupit! Naga-wish na gud tuloy ako na mag-memo na si Fr. Sambora ng prescribed haircut! And let’s not even go sa kalagom niya! (tatawa)

pero hindi pa nakuntento ang Boni, friends! Pangit na gani, buki pa talaga masyado magdamit! I mean, chaka! Di ba eew masyado ang kanyang get-up pag washday!? Baggy masyado ang t-shirt na neon ang color, mas-baggy pa talaga na maong, at karaan na shoes! Ay ambot yung shoes niya! Parang fossils na sa ka-karaan! Akala ko gani nung una ko nakita, ginalumot na! (tatawa) papahingahin niya na sana yun uy, i-abono na niya! (tatawa ulit)

ANGEL: ugly na, buki pa!

JP:         ngayong MassCom na siya, siya na siguro ang pinakadamak na tao sa 5th floor! (tatawa ang lahat)

EVAN:    ay, speaking of damak, kung kadamak lang man din, ibang usapan na naman yun!

ANGEL: tama! Kadiri din masyado yan siya ba, bigla na lang magtulo ang laway!

JP:         eew!

CJ:        ay wala kayo! Minsan, sa klase namin sa Math, thumb talaga ang gipasok sa ilong ba! Gi-ikot-ikot pa talaga! (tatawa)

JP:         thumb!?

EVAN:    ay naalala ko talaga yan! Pero mas marami akong narinig! Alam niyo man siguro yung nag-ihi siya sa puno diyan sa kiosk, ‘no?

ANGEL: what!?

JP:         (tatawa) narinig ko yan kay Gerald! Nag-share ang Richard na nung galing sila sa AFYOP orientation, halos magsabog na daw ang ulo ni sir Rocky sa kunsumisyon!

EVAN:    sino man din hindi maglagot, ‘no!? (tatawa) pero alam niyo na nagasuka yan siya pag mabagsak? Tapos kahit saan pa talaga na makasuka na siya! Madalas gani sa basurahan!

JP:         what!? Eew!

CJ:        narinig ko bitaw yan. Yan man yung nabagsak siya sa Nursing, ‘no?

EVAN:    ay, every grading tingali! Pag-announce yan ng results ng exam. Minsan, nakita ko na ginagawa niya yan, kataw-anan gud! Ginapasok niya talaga ang ulo niya sa basurahan! (tatawa) Tapos kay gago man ako, gitingnan ko bitaw yan pag-alis niya, p*ta bay, may munggo pa gud! (tatawa ulit) Kawawa intawon ang mga janitor!

JP:         kaluod!

CJ:        minsan, dun sa Bio class namin – ewan lagi babe bakit palagi kami mag-classmate! (Hahalikan si ANGEL, titili ang bakla) Anyway, dun lagi sa bio namin, nag-utot yan siya habang nagasalita si ma’am Cabijes. Malakas masyado, buti na lang hindi mabaho. Kawawa gud si ma’am kay nag “ehem-ehem” na lang gud siya.

JP:         Juskems!

EVAN:    pero ang pinaka-damak talaga siguro niya, yung nasa-CR minsan. P*ta, kaluod talaga nun ba! Nasa-CR ako ‘no, naga-salamin, tapos maraming ibang boys. Bigla man may nagtunog ng igit-igit galing sa isang cubicle! Basa na malakas masyado na pagaka-igit! Hindi gud kami makatawa sa kaluod! Tapos naging mabaho na masyado, marami naglabas, gayawyaw. Tapos ayun, siya ang naglabas. Nung nakita niya na nakatingin kami lahat na naiwan, nag-smile lang ang bayot tapos umalis din! Hindi ko talaga makalimutan gano kabaho yun ba!

JP:         (medyo namumutla. Sa imaginary Yaya) Yayer! Alcohol, yayer! (hahagulgol kunwari) Ang brain ko yayer! I-alcohol mo ang brain ko yayer! (tatawa ang lahat)

ANGEL: kaluod uy! Pwede stop na kay masira ang food. (kakain ng cheesecake) masarap baya ang cheesecake dito sa Biko di Cafe. (kakain ulit) pero bakit kaya ganyan siya, ‘no? Lumad man yan siya, di ba?

CJ:        daw.

ANGEL: ano gani tribo, babe? “Ata Mabaho” ba yun?

JP:         (tatawa) Lavet, girl! Pag magdaan siya, makasabi ka ng “parang mabaho.” Tapos di ba isa pang salita ng “parang” kay “ata,” so “parang mabaho… ata mabaho!” Lavet! (tatawa)

ANGEL: (tatawa rin) sorry gud!  Pero whatever man yung tribo niya, dapat hindi niya ginabring yang kadamakan ng tribo niya here, iiwan lang yan there sa bundok ba nila o dagat ba, whatever. My God, ka-OA baya niya yan sa pagiging netibo niya, right!? Sabi ni Gerald, gina-claim daw din niya na yan daw ang dahilan bakit hindi siya ipatakbo SAMAHAN President ng Comelec! Na grades man daw ang reason, sabi ni Richard, di ba? And as if may mag-vote din sa kanya! (tatawa)

JP:         (may masisilayan na paparating) ay! Andyan na si Richard!

ANGEL: hala sige, mag info-dump ka ulit para sa readers natin!

JP:         Ay na-chugi na jud ang 4th wall! (tatawa) Si Richard Durano, mga friends, ay isang endangered species sa balat ng Atenyu. Gwapo! Matalino! And active sa extra-curricular skembular! Certified heartrob na jud itong 3rd year Engineering student na itich! And of course, sabi ng ginapagkatiwalaan kong source na si Gerald, ilang beses na daw itong si babe gi-alok ni sir Rocky na mag-Model sa mga publicity-skema ng Atenyu. O di ba!? Pero perfect na jud sana ang Richard, mga friends, kung hindi lang dahil sa isang mapait, mabaho at pangit na sagabal: ang kanyang uber-chakang roommate na si Boni!

EVAN:    (tatawa) siguro gani, kaya naisip ng bayutang yun na mag-takbo ng President kay feeling na niya kuyaw na rin siya kay officer ng EASEC ang roommate niya.

JP:         (ala Kris Aquino) correct!(papasok si RICHARD. Ala Kris Aquino rin) hello there! O, why the long face, babe?

RICHARD: huwag ka muna mag-ganyan sa akin ngayon Paul be, kay ngilngigan ako (uupo)

JP:         Suplado-mode siya today! Well anyway, magsali ka na lang sa amin para mawala yang sapot mo. Ginalibak namin si Boni! (tatayo) sandali lang ha kay maka-shuweewee jukems. (pupunta sa CR)

RICHARD:    (matapos sundan si JP sa mga mata) si Boni ba kamo ginalibak niyo? Samot! Yan pa talagang bayot na yan… Kayo na lang uy, maghiga lang ako dito, stress ‘syado…

EVAN:    uy, lain ka man lagi sa kanya ngayon..? Pero yun na lang pag-usapan natin sunod: ang pagkabayot ni Boni. Bago yan, lahat ba tayo dito naga-agree nga bayot gyud siya?

Lahat:    duh!

EVAN:    (tatawa) bitaw. Klaro man masyado ‘no? Ngilngig masyado kay pag nasa CR gud ‘no, pag may kasama siya dun na type niya pero di niya man gani kilala, kausapin gyud niya! Kaya ginalayuan talaga ng mga lalaki ang CR kung nandiyan siya –dahil na lang din siguro kasi luod lang gyud ng ginagawa niya sa CR (tatawa)

ANGEL:  stop there, ‘Van! (tatawa ang lahat maliban kay RICHARD)

CJ:        obvious bitaw masyado. Grabe yan siya maka-glare sa mga naga-pass by na lalaki, mag-“hi” pa talaga! Tapos halata masyado kay yung hindi niya gani masyado feel, hindi niya pansinin!

ANGEL: tapos ikaw, babe, ginapansin niya?

CJ:        buyag!

ANGEL: (tatawa. Hahalikan si CJ) kahit sa galaw lang niya, obvious man- magsabi sana ako na may ‘grace’ ang galaw niya, nga damak man masyado siya para matawag na ‘graceful!’ (tatawa ang lahat)

Papasok ulit si JP

EVAN:    ginapag-usapan namin kung gaano kangilngig yung bayot-

JP:         hoy! Kay bakit man din ngilngig ang mga bayot, be?

ANGEL: (tatawa) chill, girl..! Pero okay baya ang mga bayot, kay kadalasan sila baya yang matalino at active, right?

JP:         correct! Kaming mga shokot ang nagapatakbo ng bansa, ‘no! (tatawa)

EVAN:    (tatango-tango) bitaw, makatabang din baya sila. Si Diday man gani ang nagatulong sa akin sa mga assignment! (tatawa ang lahat maliban kay RICHARD)

RICHARD:    ka-luod niyo uy. Pa’no kayo nakasabi na okay ang mga bayot na si Boni man gani ang ginapag-usapan niyo kanina lang..?

EVAN:    (titingnan si RICHARD) bakit bay, ano pala yan si Boni sa dorm..?

RICHARD:    (bubuntong hininga. Kay JP) sorry pala kung masakit yung gisabi ko kanina. Pero sige Paul, ha. Sabihin mo ano masabi mo sa pagka-bayot ni Boni…?

EVAN:    ay ito! May kwento gyud pala talaga!

RICHARD:    may gigawa na talaga sa iyo si Diday ‘Van, ba kay interesado ka man masyado sa mga binayot na usapan!

EVAN:    p*ta, bay! (tatawa) sige na, magkuwento ka na tungkol kay Boni mo!

RICHARD: atin lang ‘to guys ha (tatango ang lahat. lilingon lingon. magsisimula) ganito: di ba 1st year pa man kami dormmates niyan ni Boni? Noong una kay nagatulong lang ako kay netibo lagi, galing sa bundok, tapos SICO baya ako. Mag-review, i-check ang assignment, ganyan. Okay lang gud sa una, baybs man kami. Pero na-lain na ako konti nung napansin ko na palagi siya naka-smile pag kasama kami. Medyo na-lain ako, pero okay pa rin ako sa kanya, baka pala imagination ko lang yun, di ba? Pero ngayon na year, medyo nasobra na man…

Parang bago lang man yun nag-start ang 1st Sem… nagatulog na kami ‘no. Nagising man ako sandali – you know, pag may bigla ka ma-alala na equation ba sa Calculus.

EVAN:    gahot ka talaga bay ba!

CJ:        huwag ka na magulo, ‘Van! Sige, Rich, tapos?

RICHARD:    ganun lagi, nagising lang ako. Tapos narinig ko man yan siya sa ilalim ng double deck na ginabulong ang pangalan ko. Akala ko ginatawag ako, pero pag-tingin ko tulog man..!

EVAN:    kaluod!

RICHARD: ay wala pa yan! Nung mga patapos na yung 1st sem, ‘no. Ganun din, nagising lang ako bigla sa gabi. Pero siya, gising pa, nasa desk namin, nakasindi ang desk lamp. Naga-iyak siya, so magbaba na sana ako para patahanin, kay bigla man niya gisabi ulit ang pangalan ko-

EVAN:    “Richard…”

RICHARD: (babatukan si EVAN) yawa! (tatawa ang lahat) anyway, ayun, gibulong bigla ang pangalan ko, so hindi ako naggalaw. Naglingon man yan siya, tinignan ako, pero kay nasa-dilim lagi ang kama tapos nasa kanya galing ang ilaw, hindi niya ako masyado makita – p*ta, kangilngig talaga ba! Nag-flying kiss siya sa akin!

CJ:        f*ck, bay!

RICHARD: I know, right!? Pero mas grabe yung mga early this sem. Ganun din, ‘no, nagising din ako sa gabi – dapat gyud talaga pilitin ko na sarili ko huwag magising ba! – pero yun lagi, nagising ako. Nagauga konti ang kama: alam ko na ano ginagawa niya sa ilalim… Wala lang din sa akin, pero bigla man niya yan gibulong ang pangalan ko..!

ANGEL: my gosh..!

RICHARD:    (lalapit sa mga kasama) tapos kanina, guys… ayun, gikausap na ako.

JP:         wha-!?

RICHARD: hindi ko gyud siya gilayuan kahit na ganun na ginagawa niya, ‘no. Pero kanina lagi, grabe na. Nasa-kwarto kami, ako nasa-desk naga-liquidate ng gasto ng SEC, siya nasa kama niya gabasa. As usual, siya ang nagsimula ng usapan. Pero first time niya magtanong ng ganun: may uyab-uyab na ba daw ako. Tinanong ko lang din siya ng “bakit man?” matagal siya nakasagot, naglayo pa siya ng tingin, nag ikot-ikot pa ng buhok niya, pero gititigan ko talaga siya. Ang sagot niya “I love you gud” tapos, ano yun..? “kailangan gud kita, Rich… lahat sila ayaw sa akin kay pangit ako, bobo ako tapos pang-bundok ang ugali ko… ikaw kay perfect gud masyado, Rich, mabait ka pa talaga sa akin… mahalin mo ba ako?..”

EVAN:    P*ta! tapos,ano ginawa mo!?

RICHARD:    nag-walk out, e. Hindi pa ako nakabalik sa dorm simula kanina umaga! Pero magbalik lang ako kung kailangan talaga, uy.

CJ:        dude, hindi ka takot ma-..?

RICHARD:    ay, makalaban man siguro ako! (tatawa)

JP:         my gosh… ka-lain niyan uy…. damak man yan na pagka-bayot ang sa kanya! Lain na pagka-bayot! Rich, huwag mo talaga isipin na ganyan ang ginapaglaban namin na pagkabayot ha! Damak, lain yan na pagka-bayot ang sa kanya! (tatayo) I declare right here and now na ginatakwil ng Kabaklaan ng Bonggang Bongga yang si Boni! (tatawa ang lahat)

RICHARD: pero sige na lang uy, laag baya sana ‘to di ba! i-cheers na lang natin ‘to. (itataas ang tasa ng kape. Magsusunuran ang iba) sige, a toast sa lahat ng mga weirdo, na malaman na sana nila kung pano gumamit ng gel at mag-terno ng damit; sa mga netibong mabagal, na maintindihan na sana nila na hindi pwede mag-ihi sa kiosk banda, na hindi pwede sukahan ang basurahan, at na walang gusto makarinig ng utot mo at maka-amoy ng igit mo; at sa lahat ng mga damak na bayot… kay Boni, na sana matikman niya ang kape dito sa Biko di Cafe para malaman niya na mas masarap ang kape sa tulos! (tatawa ang lahat bago iinom)

JP:         (may masisilayan ulit na paparating) si Gerald! Nandito na ang palagi nating source ng mga skema sa Atenyu… parang nagamadali siya! Naku, major-major na balita ang dala nitey! (papasok si GERALD. Ala Kris Aquino as usual) hello there! Anong-

GERALD:     (hinihingal) Richard, si-si Boni, nagbigti sa kwarto niyo.

Lahat:    ano..!?

GERALD:     Si Boni, ba, nagbigti!

Uulit-ulitin nila ang mga salitang “si Boni, nagbigti…” ng pabulong, na tila ba kung uulit-ulitin nila ito’y mawawala ang kanilang paninibago, gaya ng pagkawala ng kanilang konsensya sa mga panlalapastangang isinambit kanina lang.

Maiirita si GERALD sa tagal ng tugon ni RICHARD, at lalabas siya.

magbibintangan sa tingin ang bawat isa sa kanila.

(ilang araw makalipas, pag-uusapan na naman nila ang isang kaklase)

Advertisements


Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s