Pagbalik

(The following short story came out in the Banaag Diwa, Literary Folio of the Ateneo de Davao’s Atenews, in 2012. It was first written when I was in second year college.
Just some background: it is my first stream-of-consciousness story. As such, I must note that the text’s graphological specifics are functional in achieving that effect: italicized parts after this note are the mental utterances of the narrator, with those enclosed in quotation marks actually being uttered. It also contains a great amount of Kidapawan context, making it much more appreciable for readers who have been to Kidapawan and who have made the similar journey to Davao on van. This story follows my trend of three movements, which began with the story “The Barefooted Girl,” written a year before. While that story involved three acts of accepting change being constantly reversed by unacceptable revelations, this story involves the reverse: three acts of rejecting change constantly being challenged by the narrator’s affection. The triangle, with the perfect couple being regarded by an observant third wheel, is another tendency in my stories that date back to when I was in High School.
The story’s language is a later project: originally it was just written in standard Filipino. I revised it in 2011 to use Davao Filipino, in line with my National Language project. This might very well be the first short story in that variety, and it no doubt is the first stream-of-consciousness work thereof.
)

…Ako na ang huli? payts. Mag-larga na ‘to. “’nong, magkano gani pamilete?” Teka, 140, 140… ” o. Pakidalian lang daw kay parang mag-larga na ‘tong van.”

Excuse daw.” Sa likod na lang ang bakante. Okay na, tabi naman ng bintana, eh. Hindi na ako mainip nito.

… nakaupo din. Sino man ‘tong katabi ko..? Yak, mukhang katulong. Bad trip.
Sinu-sino man ang mga nandito..? May kilala ba ako..? Wala. Bad trip.

Alas singko na man pala. Gago yung Clyde na yun. Ano man yung gipa-inom niya sa akin kagabi!? Ano yun, parang ‘Absint’ man yung tawag niya dun… ay basta yellow. Grabe ang tama, ala una na ako nagising! Asan man niya yun nabili!? Rich boy talaga… I-research ko yun mamaya…

Wala ba akong naiwan? Teka, damit.., cellphone.., wallet.., “ah, 500 po…wala baya. Ah, paabot lang daw… salamat.”

…Ano nga ba yung ginagawa ko kanina? Ah, tama. Teka, damit.., cellphone.., wallet… kumpleto.
Game, aalis na…

…Hay. bwisit tong bakasyon na ‘to. Kung alam ko lang na ganito pala abutan ko, hindi na lang sana ako umuwi…

Exit… Ano gani yang puno na yan? Parang Traveler’s palm man yun… Hindi man din mukhang palmera. Mas mukha ganing saging – Uy! May bundok sa likod. Ka-ganda tingnan, parang ginapapaypayan ng puno ang bundok…

…Uy, pastel. Aw, Alim man pala ito dito. Bakit bitaw naging ka-Musliman itong street na ‘to? Ah basta, masarap yang mga bentang pastel. Hindi ako nakabili ‘no..?

…Let-let store… Yak, kadumi ng kalsada- Yak! gisabayan pa talaga ako ng gago! Wala ba siyang lababo sa bahay nga kailangan pa niyang mag-dahak sa kalsada..!?

… ga’no na kaya katanda itong mga pine tree ‘no? Simula nagkaisip ako nasa gitna na yan sila ng Kidapawan, ba… Collado Funeral Homes… Enrac’s… Greetings from N___ C___…  Congratulations from Master T___ O__… asus, itong mga pulitikong ito kaya, naisip ang mga environmental concerns ng Kidapawan? Sigurado, ang heritage wala intawon…

..Ilang beses na ba kami naglalis ni Clyde tungkol sa heritage ng Kidapawan..? Heritage: kataw-anan, wala man gud ibang salita, yan na lang ginagamit ko. Bitaw ‘no… Pa’no ba yun..? parang memories ba, o value, sa isang bagay o lugar. Basta, may Nostalgia … yan gung sa diyan sa may harap ng G-mall sa Davao na inaabangan ng mga Jeep. “heritage” na ng kanto na yan na paradahan siya ng jeep, kay kung wala yung mga jeep, parang “lain” man siya…

Ka-senti ko gud, pati si Clyde makasabi. Takot daw ako sa pagbago. Ayoko lang naman mawawala yung mga bagay na nagtatak sa kakintalan ko mula pagkabata… Kakintalan: naks, kalalim ko na magtagalog!

Congratulations Ramil Jepors… wow, Ramil! Kumusta na kaya yun? Biliba ko sa kanya uy. Noon, hindi siya pinapansin sa Boys, gina-ismol-smol lang yun siya. Pero pagdating sa National, naboto pang SSG president. Teka, ano ba ‘tong… Oh? Foreign exchange student? Idol!

…Aw, naka-unli man pala ako. Maka-GM nga.

Bye guyz! I’m off 2 Davao. It was a gr8 summer!

Send to: yan… yan, yan… yan…Gene. yan… yan, yan…Jenny.

Send. Sending message… Message sent.

…Buwisit ‘tong bakasyon na ito. Kung alam ko lang na ganito pala ang mangyari, hindi na lang sana ako umuwi…

…Shit! Ginigiba nila ang Mansion ni Sultan Omar!? Citi Hardware… Shit. Wala jud talagang pakialam ang mga taga-Kidapawan sa kanilang heritage! Sa legacy ng mga ninuno nila. Hay. Ang mga Kidapawenyo: mga anak na ginakatay ang sarili nilang nanay…

Central Warehouse Club…Greetings from Mayor Rudolfo Gantuangco and N___ C___…Dawn’s Cafe – Pa’no naabot diyan ang Dawn’s Cafe? Nandoon man di ba yan sila noon sa Dayao? Tapos naglipat sila dito sa Maharlika, sa tabi ng – ano gani yang simbahan na yan? Basta, katabi din ng SSS. Tapos ngayon dito. Bilib din ako, kasi katagal na nila, hindi pa rin sila nagasara. Pero bakit bitaw cafe!? Kalayo intawon nila sa mga cafe sa Davao..!

Asan man yung malaking Acacia dito..? Hala! Ito pala… Sabi nila natamaan daw ng kidlat. Ewan lang kung totoo, o baka giputol na rin para gawing panggatong. Kaganda pa naman nung puno na yun, nakatayo sa tabi ng highway, nagabigay lilim. Magandang first impression para sa mga galing Makilala. Mayroon na yang Landmark pambungad, pero mas-okay pa rin yung puno uy…

…Dito man yung nalunod na mga taga-Girls. Grabe, nag-outing lang silang magbarkada, may namatay na. Kaganda pa naman ng lugar… pag-nagapunta kaya ang mga tao sa resort, naisip kaya nila yung mga namatay? Siguro, pero sandali lang masyado. Natural bitaw yan sa tao na isipin lang kay ang sarili…

Bitaw. Kadami ko nang nadaanang sitwasyong ganyan…

Buwisit. Kung alam ko lang na ganito na pala ang nangyari, hindi na lang sana ako umuwi…

…hala, nakatulog ako. Asan na ba ‘to? Bansalan na man siguro. Teka, may message sa CP…
Galing kay Jenny.

Oh, bye Kyle! Hav a safe trip!

Tnx…Send. Sending message…Message sent.

…Hay… Genevieve… grabe ‘no, kinder pa lang ako grabe na ang dating ng pangalan niya sa akin..!?
Palagi man yun siya nakatago noon sa isang sulok habang nagalaro ang iba naming mga klasmeyt. Sus, kung hindi ko siya gilapitan noon, hindi  talaga siya nagkaroon ng kaibigan…

…Ay yung sa soccer field..! Minsan, nagtambay kaming dalawa diyan sa soccer field sa College – recess ba yun o tapos na ang klase? Nakalimutan ko na. Basta. Habang nagpakawala kami dito sa may mga puno, may nakita siyang til-as. “…First time mo makakita noon ng til-as, Jen, di ba…?” Ako man yung wide reader noon, kaya gi-explain ko sa kanya, na yan ang baby ng butterfly, na pag-hayaan lang siya, maging cocoon siya, tapos maglabas ang maganda masyadong butterfly. Hehe, mga bata jud…

Ay sus! kaganda nung ngiti niya! Tapos ang kinang sa mga mata niya..! Mga bata pa man kami noon, pero noong nakita ko ang pagka-inosente ng kanyang mangha, sus, doon ko talaga nakita ang ganda ng mundo. Yun pala ang eternity…

Ayun, dahan-dahan, nabuang na ako sa ka-inosente niya na yun! Sa mumunti kong isipan tahimik siya na bayang dapat kong ipagtanggol sa mapang-aping labas. “Dalisay na telang ayokong madungisan…”

-ka-lalim ko na talaga magtagalog! Nahawa na ako kay Clyde..!

…Mukhang ang baho niya! Ewan ko ‘no, pero kahit anong gawin kong tingin dito sa mga pulubi, hindi talaga ako maawa. Mas-mainis pa gani ako, alam ko man gud na kasalanan man din nila kung bakit sila na-ganyan. Social Darwinist, sabi pa ni Clyde, pero salamat yan sa Code Geass..!

…3rd year High School man yung Code Geass, ‘no..? Madami man pala sa aming batch nagbago noong High School. Noong elementary, iilan lang ang naga-uyab-uyab. Si Marian noon, ilang beses na-link, pero ewan kung totoo, suplada baya yun. Pero pag-High School! Sumobra naman! Pati gani yung si Shooti na katahimik nung Grade 6, nakuha si Maying!

Natakot ako noon uy. Baka madamay sa ganun si Jenny. Ayokong madumihan siya, na giingat-ingatan ko ang kalinis niya, ang pagkadalisay niya. Ayoko uy. Masira siguro mundo ko kung magka-uyab man siya nun…

…Kadami na namang nakadikit na mukha ng pulitiko. Buwisit. Nakakasira ng view. Kahit isa ba sa mga naga-takbong ito, gina-isip ang pag-preserve sa heritage ng kanilang lugar? Ewan ko lang…

…bitaw ‘no? Siguro, yung pagka-inosente ni Jenny ang “heritage” ko noon..? Basta, pasalamat ako kay hindi nagka-uyab si Jenny noon. Solve na solve ako noon. Ako din, hindi ako nagka-uyab, kahit may mga nag-lapit (ka-ambisyosa naman ng Joje na ‘yon. Hindi marunong lumugar)… kami palagi magkasama noon, umaga hanggang uwian, tapos pag-uwi, naga-text pa rin kami sa isa’t isa. “Bitaw, Jen kulang na lang kay aminin natin uyab na gud tayo…” Pero hindi din. May something na lain sa salitang “syota,” Ewan ko ano, pero dahilan na din yun. Tapos kapangit baya ng pianggalingan ng “uyab”! Tapos hindi ko din ma-imagine na maging “kami.” Parang, parang masisira siya kung ako ang magiging uyab niya. Ewan, basta ganun…

Tapos nandiyan man gud din si Eugene…

…Si Eugene… “Kung ihati ang kaluluwa ko at si Jenny ang isang kalahati, si Gene ang isa pang kalahati…”

Partners in crime since birth… Magkaibigan ang mga tatay namin. Una kaming nagkita, mga bago kami nagsimula mag-aral. Tapos, mag-klasmeyt din kami noong kinder. Madalas, kaming tatlo ang magkasama nina Jenny noon, naglalaro. Si Jenny ang may record na naging klasmeyt ko mula kinder hanggang 4th year, pero close runner up si Gene, hindi ko lang naging yun klasmeyt noong grade 6 at noong 2nd year…

Para kaming si Sirius Black at James Potter… Kung kay Jenny, para akong tatay sa nag-iisang anak na babae, kay Gene naman, parang kapatid na madamot sa kapatid niya. Mainis ako ‘pag makita ko siya may ibang kinakausap. Ganun din baya siya sa akin, palagi nagasabat pag makita niyang naga-usap kami ni Jenny…Mahirap i-explain. Ewan ko, basta, ganun…

…gago din talaga ako… naabot na gud sa punto na sobra ko ka-close kay Gene, akala ko nabayot na ako. Lagi. Inisip ko yan noon, gago ‘no?: bakit ka-possesive ko man sa kanya na kaibigan? Pero hindi din, isip ko, kay mas-possesive pa ako kay Jenny…

Ah, may message.

Listen, I’m sorry 4 not tellin ya na kmi na ni Gene.

0h, it’s 0k! I’m happy 4 both of U. Ü … Send. Sending Message…Message sent.

Happy my face. Pa’no ako magiging happy na nalaman ko’ may uyab ka na!?

Hindi Okay. Hindi…

May message ulit.

Really!? Tnx a lot, Kyle! I knew I cud count on U! Para bati na tlga taU, I’ll tell U somthin’…

Walang hiya. Dagdagan pa talaga ang kalbaryo ko.

Oh? wat s it? Send. Sending message…Message sent.

Hala! Kabilis nagreply. Gitype na siguro bago pa man makatanggap ng reply.

U see, I’ve nvr 2ld any1 ’bout dis. not evn my mom or Gene. I’m pregnant! & I wnt to name the baby aftr U!

Hindi. Hindi ‘to totoo…Shit, Hindi ito totoo. Ayokong maniwala…Shit… iiyak ako. Tutulo ang luha ko… “Huy! Umiyak ka! Ba’t hindi ka man maka-iyak!?” Shit. Hindi ko ‘to tatanggapin. hindi ko ‘to tatanggapin…

…Hala, nakareply na ako? Ano ba ang nasend ko…? Really? that’s great! I’m flattered… piste. Mas magaling pa intawon mag-spell sa akin ang Id ko…

Shit. hindi ‘to totoo. hindi ‘to totoo…

…hala, nakatulog na naman ako. Asan na ba ‘to? Parang Digos na, o Santa Cruz na ba? Basta mga diyan… kadilim na, ano’ng oras na ba…6:40

…Ah, “Hi…” kacute ng bata. Nakangiti sa akin. Konti na ang batang naga-ngiti ngayon, ‘no?. Mga suplado o suplada na. Pag ngitihan mo, kung hindi ka dilatan, layuan ka. Hindi man ito tamang isip ng lalaki ‘no, pero kumukonti na jud talaga ang mga cute na bata ba.

Mabuti na lang kay kahit papaano may natitira pa, gaya nitong isang ‘to. Sa unang row man siya nakatayo banda… Sino ba ang nanay nito? Yun sigurong babaeng nakakimpit ang buhok. Parang bata man masyado siya para maging nanay ba…

Hay. Si Jenny din uy, kabata pa para maging nanay. Nasa 3rd year pa kaya kami. Hindi na lang niya inantay na makagraduate bago mabuntis…

Sino gani yung nabuntis noong High School? Ewan, pero noong narinig kong buntis siya, parang kadumi ng tingin ko sa kanya. Hindi ko kasi ma-imagine na ginawa niya yun. Parang hindi bagay sa kanya.

…Pero bakit kay Jenny, iba man? Bakit hindi man lain..?

…At si Gene. Pag-isipin kong ginagawa nila yun ni Jenny, imbes na mainis ako at mandiri, iba man ang maramdaman ko. Tumatayo ang balahibo ko, may init.

Hindi siya uwag, hindi. Wala man din utog. Iba. Parang yung pakiramdam ng naganood ako ng Clannad. Yun bang parang ang heart, naging flowerbud na biglang magbukas, at maramdaman bigla yung kiliti ng petals na nagahagod sa dibdib…

…Maganda si Jenny. Sobrang ganda. Lalo na sa akin. Mabait, matalino… Parang bagong papel: mabango, makinis, puno ng pag-asa…

…May itsura rin naman si Gene. Muntik man gani ako mabayot dahil sa kanya. Tahimik, misteryoso pero mabait at saka protective. Matalino din yun  at may-taste – makasakay yun kay Clyde!. Astig na sosyal…

Niloko nila ako. Pinagmukha nila akong tanga. Tapos ngayon ginagago pa ako kay ipangalan sa akin ang magiging anak nila.

Pero bakit hindi man ako galit sa kanila..!? Bakit parang imbes mainis, masaya pa ako..?
…Hindi ko talaga sila mapatawad, kay hindi man talaga ako nagalit sa kanila.

Ewan ko, basta, ganun na yun…

…Nakangiti pa rin ang bata sa akin? Parang hindi man din siya naggalaw ba. Okay, medyo weird na…

…Umuulan. Kapangit na ulan. Hindi man ganito ang ulan sa akin dati. Masaya gani ako pag mag-ulan, kay alam ko may mga dahon nanaman mabibinyagan, may mga uhaw nanamang mapapawi (grabe na jud ang Tagalog ko!). Alam ko din, malilinisan na naman ang mundo na paulit-ulit ginadumihan ang sarili niya… Jun-jun Store… Basta, ayoko itong ulan na ‘to. Kapangit. Marahas. Makalunod. Parang mapait, mapang-api. Kung sa Buhay ang may pera lang ang hindi mag-daan sa hirap, sa ulan na ito ang may payong lang ang hindi magkakasakit.

…Wow, kasarap ng upo ko. Kalambot nitong upuan. No wonder dalawang beses akong nakatulog. Parang kayaman ng feeling ko habang nakaupo dito, tapos nakatingin sa nababasang mga tao sa labas. Mas lalo kong naa-appreciate ang pagkakomportable ko, alam ko man gud may ibang hindi nakaka-enjoy.

Schadenfreude..!

…Ano kaya itsura ng magiging anak nila? Sa akin daw ipapangalan, ha..? Baby Kyle… Sige daw… Medyo prominente man ang kilay ni Gene…Maliit naman ang mga labi nilang dalawa…Straight masyado ang buhok ni Jenny… Ang ilong? Kay Jenny din siguro manggagaling… teka, so ang itsura noon…

Hehe, kacute! Gwapong bata paglaki…

-Ba’t kamukha ng nitong batang nakangiti!? Ang kilay, ang labi, ang ilong, ang buhok: kamukha talaga..!

Naalala ko lang siguro siya nung gina-imagine ko ang mukha ni Baby Kyle. Kakulba uy…
Ee! Bakit ganito!? Parang nasa ibang mundo ako. Lumakas ba ang aircon? Ewan, basta, kakilabot! Nakakailang na man gud yang bata. Ngiti ng ngiti…

…Makinig na lang tayo ng music, be, para mabalik tayo sa real world. Teka… my message…alarm…my files…music…memory card…music..Ah! They Don’t Care About Us ni MJ. Ewan ko sa iba, pero hindi ko talaga ipagpapalit si MJ sa iba pa, kahit pa sabihing pedo talaga siya. Wala akong pakialam. Magaling pa rin siya. Lalo na itong kanta na ito… namemorize ko na gud kakapakinig!

Skin head dead head Everybody gone bad Situation aggravation Everybody allegation In the suite on the news Everybody dog food Bang bang shot dead Everybody’s gone mad All I wanna say is that They don’t really care about us…All I wanna say is that They don’t really-

Shit, bad trip. Ngayon pa talaga nagka-message. Kalagitnaan pa talaga ng kanta.

Galing kay Gene..? ano ito? Hehe, concerned tapos nagreply..?

Kyle, naaksidente c Jenny. Got hit by a car. We’re in Kidpawan Doc right now. Dude, I dn’t knw wat 2 do!

Shit! Ano’ng nangyari!?

What!? Dude, calm down. Is she okay now? Send. Sending Message… Message sent.

Shit, huwag naman uy…

Nagreply na.

She’s stable, sabi ng Doc. But she’s still unconscious.

Dude, the baby: how’s the baby!? Send. Sending message…message sent.

…”Reply. Reply. Magreply ka… Katagal mo magreply, Gene..!”

… “Bakit nakangiti ka pa!?” Buwisit itong batang ‘to! Hanggang kailan ba siya magbungisngis sa akin!? Ano ‘to, nangloloko?

Biglang gumalaw! Hindi na ‘to-

Nagreply na si Gene.

Dude, I just asked the Doc. She said the baby didn’t make it. I didn’t know, dude. I didn’t know…

…Asan na yung bata!? Shit, asan na yung bata..!?

Advertisements


Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s